KASABAY ng pagdiriwang ng ‘Women’s Month’, inihain ng isang ranking official ng Kamara ang panukalang batas na nag-aatas sa lahat ng local government units (LGUs) na magpatupad ng lending program para sa mga kababaihan, partikular ang nabibilang sa low-income families at nagnanais na magkaroon ng kahit na maliit na negosyo o mapagkakakitaan.
Sa kanyang House Bill No. 8567 o ang An Act Creating a Lending Assistance Program to Aspiring Women Entrepreneurs from Low-Income Families, binigyang-diin ni Quezon City 1st Dist. Rep. Onyx Crisologo na ang women’s economic empowerment ay malaking bahagi sa layuning maalis ang tinaguriang ‘gender gaps’ at ang pagkakaroon ng isang lipunan na tunay na kumikilala sa pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian.
“House Bill No. 8567 provides women, especially from low-income families, the ability to establish a small enterprise that will give them better access to social protections that is usually obtained through employment such as pension and health cards,” sabi pa ng neophyte solon, na siya ring vice-chairman ng House Committee on Games and Amusements, patungkol sa kanyang proposed measure.
Nakasaad sa naturang panukalang batas na ang mga lalawigan, lungsod at munisipalidad, sa ilalim ng kani-kanilang Gender and Development Offices, ay magkakaroon ng ‘zero interest’ lending assistance program para sa mga kababaihan na mula sa pamilyang ang kabuuang kita ay mula P10,000 hanggamg P16,000 lamang kada buwan.
Sinabi ni Crisologo na ang mga babaeng solo parent at persons with disabilities (PWD) ay mga kuwalipikado rin sa nasabing programa kung saan ang halaga ng maaari nilang mautang mula sa kanilang LGU ay depende sa assessment at rekomendasyon ng itatalagang loan officer.
“The lending program shall also include capacity development trainings for their beneficiaries to ensure the sustainability of their chosen enterprise and the proper usage of funds granted to them, “ dagdag ng Quezon City lawmaker.
Paalala niya, kailangan ding magsagawa ng ‘strict monitoring on the actual use of funds to ensure that the assistance is being used in the procurement of business materials and other services related to the declared type of business of the beneficiary.”
Samantala, kapag ganap na naging batas, ang kaukulang Implementing Rules and Regulations (IRR) ay babalangkasin ng league of provinces, cities, at municipalities, na may koordinasyon sa Philippine Commission on Women (PCW), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Trade and Industry (DTI). ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.