(Isinusulong sa Kamara)AGARANG AYUDA SA NASA KRISIS

ISINUSULONG nina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre ang panukalang batas na naglalayong maging bahagi ng regular na programa ng pamahalaan ang pagkakaloob ng agarang tulong pinansiyal sa bawat Pilipinong nahaharap sa mabigat na sitwasyon.

Sa kanilang inihaing House Bill No. 1940, binigyang-diin ng dalawang TINGOG party-list lawmakers na tungkulin ng estado na iahon mula sa kahirapan ang mga mamamayan nito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng polisiyang may kinalaman sa pagbibigay ng sapat na social services.

“To uphold this, this bill seeks to institutionalize the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program of the Department of Social Welfare and Development (DSWD),” pahayag nina Romualdez at Acidre sa explanatory note ng kanilang HB 1940, na sa ngayon ay nakabimbin pa sa House Committee on Social Services.

“AICS is social safety net or stopgap measure to support the recovery of individuals and families who are indigent, vulnerable, disadvantaged or are otherwise in crisis situation. It provides psychosocial intervention through therapies, direct financial or material assistance which enables such individuals and families to meet their basic needs in the form of food, transportation, medical educational, or burial assistance, and, referral to other services of other national government agencies.” dagdag nina Romualdez at Acidre.

Nabatid na sa ilalim ng nasabing proposed measures, nais ng dalawang kongresista na maglaan ng P1,000 hanggang P150,000 bilang quarterly medical assistance para sa bawat tao o pamilya na nasa kategorya bilang “indigent, vulnerable, disadvantaged”, o maituturing na nasa isang ‘crisis situation’.

Nakasaad naman sa Section 4 ng HB 1940 na ang AICS Program ay magbibigay ng integrated services sa “individuals and families in crisis or difficult situations” maging sa larangan ng psychosocial intervention o direct financial and material assistance, kabilang ang transportation assistance, medical assistance, burial assistance, education assistance, food assistance, cash assistance, psychosocial intervention, o referral para sa iba pang mga serbisyo ng gobyerno.

Ang halaga ng transportation assistance ay ibabase sa actual ticket quotation at isang beses sa isang taon lamang puwedeng i-avail, habang ang medical aid ay mula P1,000 hanggang P150,000 na maaaring i-request kada ikatlong buwan; ang burial assistance naman ay P5,000 hanggang P25,000; ang cash aid para sa educational assistance na puwedeng i-request kada taon o semester ay P1,000 hanggang P10,000.

Sinabi nina Romualdez at Acidre na sa kanilang panukalang batas ay maaari ring mag-request ng food assistance, cash assistance para sa iba pang support services at maging ang pangangailangan sa PPEs kung saan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang inaatasang sumala sa kung sino ang magiging qualified beneficiaries at mamumuno rin sa pagpapatupad ng nabanggit na programa.

ROMER R. BUTUYAN