(Isinusulong sa Kamara)DAGDAG-BENEPISYO SA SOLO PARENTS

Kongreso

INIHAIN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Social Security System (SSS) charter o ang Republic Act No. 11199, partikular ang pagtataas sa unemployment insurance benefits ng mga solo parent.

Sa House Bill 2229, iginiit ni Quezon City 4th Dist. Rep. Marvin Rillo na “single parents, being the only breadwinner in the household, are exceptionally vulnerable to economic hardship. They deserve greater financial support if they lose their jobs for reasons unrelated to their performance as employees.”

Kaya naman sa kanyang proposed measure, ang bawat solo parent na matatanggal sa trabaho ay dapat tumanggap ng involuntary separation payment na katumbas ng dalawang buwan ng average monthly salary credit (AMSC) nito.

“Thus, once our bill is enacted, a solo parent with an AMSC of P20,000 will receive an unemployment insurance benefit of P40,000, instead of only P20,000 as currently provided by law,” paliwanag ng Quezon City neophyte solon.

Sa kasalukuyan, ang mga manggagawa o empleyado, kasama na ang overseas Filipino workers (OFWs), na kwalipikado sa involuntary separation payment benefits mula sa SSS ay nakatatanggap lamang ng 50 percent ng dalawang buwan ng kanilang AMSC.

Nitong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, partikular noong 2020, iniulat ng SSS na nakapagbayad ito ng mahigit sa P1.71 billion na unemployment insurance benefits para sa 135,814 qualified members nito at base sa World Health Organization-funded study ng University of the Philippines’ National Institutes of Health at ng Department of Health,13 percent ng national population o tinatayang nasa15 million ang bilang ng solo parents sa bansa at 95 percent sa mga ay mga Filipina.

ROMER R. BUTUYAN