UMAASA si House Deputy Minority Leader at ACT party-list Rep. France Castro na mabibigyang-pansin at susuportahan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kahilingang madagdagan ang honorarium na tatanggapin ng mga guro at miyembro ng Board of Election Inspectors (BEIs) na mamamahala sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, hiniling ng kongresista na mabigyan ng P10,000 net honorarium ang BEI chairperson at P9,000 net honorarium naman ang mga miyembro nito.
“Comelec Chairman George Garcia agreed with me on this and said that he would also support the move to increase the BEI’s honorarium,” pahayag pa ni Castro.
Ayon sa mambabatas, sa pag-veto ni Pangulong Marcos sa House Bill 9652 at Senate Bill 2520, na naglalayong hindi na patawan ng income tax ang honoraria, allowances at iba pang financial benefits ng mga BEI, ang take-home pay ng huli ay mababawasan ng hindi bababa sa P2,200.
“There is a stark disparity with the fact that while big corporations got tax cuts thru numerous laws approved by Malacanang, impoverished teachers are made to pay more taxes. This disappointed many of our teachers because it slashed at least P2200 from their take home electoral service honorarium which is quite a substantial amount now due to the country’s runaway inflation,” sabi pa ni Castro.
“Sa pamamagitan ng CREATE law nagka- tax holiday o pinababa ang tax sa mga corporations, sa mga businesses na tinataya na ang mawawala sa ating mga revenue mula 2021- 2023 ay P372 billion. Ang FIST ay tinatantya na P5.85 billion ang nawala. Sa TRAIN Law, na nagbaba sa estate tax, at donor tax sa 6%, ang nawala noon ay P14.5 billion. Subalit ang exemption sa tax na hinihingi lang ng mga election workers, ang mawawala lang dito, ay P770 million up to P1 billion sa loob ng tatlong taon dahil every three years naman tnagkakaroon ng election ay iyon pa ang vineto,” dagdag pa niya.
Giit ni Castro, “napakaliit na bagay lang sana para sa gobyerno pero malaking bagay ito para sa ating mga guro, at mga poll workers.”
“It is in this light that we hope that the Marcos administration realize this and now support the increase in the BEI’s honorarium to give teachers what is due them for their hard work,” dagdag pa ni Castro.
ROMER R. BUTUYAN