(Isinusulong sa Kamara)MINIMUM 30 MBPS INTERNET SPEED

internet

IPINANUKALA ni Deputy Speaker at Batangas 6th Dist. Rep. Ralph Recto ang pagtatakda ng minimum speed na dapat maibigay ng internet providers sa kani-kanilang customers.

Sa House Bill No. 2567 o ‘Bilis Konek Act’, nais ng Batangas province lawmaker na maging 65 Mbps ang minimum internet speed sa fixed wireless broadband service na ipinagkakaloob ng local telecom firms.

Para naman sa mobile broadband service, iminungkahi ni Recto ang minimum speed na 30 Mbps.

Giit ng kongresista, sa pagtatakda ng minimum internet speed, maiiwasan na rin ang dumaraming reklamo ng mga customer hinggil sa mabagal at putol-putol na internet connections na kanilang nararanasan.

Bukod sa pagkakaroon ng ‘standard speed’ para sa dalawang nabanggit na klase ng internet services, sinabi ni Recto na dapat ay tiyakin ng mga telco ang kalidad ng kanilang sistema para makapag-deliver ng internet connection speed na higit pa sa global average.

Aniya, ang worldwide average ng internet usage ay 6 hours and 53 minutes subalit ang mga Pilipino ay umaabot, aniya, ng 10 hours at 23 minutes dahil mabagal ang internet speed sa bansa at ito ay dapat nang masolusyunan sa lalong madaling panahon.

ROMER R. BUTUYAN