(Isinusulong sa Kamara)P15K SUBSIDY SA KARDING-HIT FARMERS

MANGINGISDA-MAGSASAKA

UMAPELA ang mga kongresista sa pamahalaan na agarang magpaabot ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na napinsala ni super typhoon Karding.

Ipinanukala ni House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang pagkakaloob ng P15,000 production subsidy sa mga magsasaka na hinagupit ni ‘Karding’.

“Dapat hanapan ng pondo ang signipikanteng production subsidy sa ating mga magsasaka. Malaki ang nalugi sa kanila… at mahal na ang presyo ng langis, at ngayon nama’y winasak ang kanilang pananim,” ang panawagan pa ng kongresista.

Sinabi naman ni AGRI party-list Rep. Wilbert na naisalba sana ang mga palay, mais at iba pang produktong pang-agrikultura mula sa pamiminsala ng bagyo kung mayroong post-harvest facilities ang pamahalaan na magagamit ng mga magsasaka.

“We must stop this vicious cycle where our farmers always register losses because of the lack of storage and other facilities to mitigate the effects of typhoons,” anang AGRI party-list solon.

“Kaya kailangang madagdagan ang budget ng DA (Department of Agriculture) para sa post-harvest facilities para matugunan ang problemang ito,” dagdag pa niya.

Base sa datos ng DA, sinabi ni Lee na 1,469,037 ektarya ng tanim na palay at 281,322 ektarya ng corn plantation o katumbas ng mahigit kalahati ng kabuuang sakahan sa bansa ang maaaring padapain ng bagyo.

“The figures make up 75.83 percent of the national standing rice crops and 52.37 percent of the national standing corn crops,” ani Lee.

Giit naman ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro, bukod sa calamity assistance sa mga nasa agri sector na apektado ang produksiyon o kita dahil kay ‘Karding’, dapat ding tulungan ng DA ang mga farmer at fisherfolk na ma-write off o huwag nang pabayaran ang loan at amortization payments ng mga ito.

“As typhoon Noru (Karding) exits the Philippine area of responsibility, we echo the calls of our farmers for the Department of Agriculture to indemnify the farmers for their destroyed and damaged crops. Funding for this can be sourced from the Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), Quick Response Funds, calamity fund, and other sources,” ani Castro.

“Many crops destroyed or damaged by the typhoon are not covered by crop insurance. Now more than ever, our farmers need immediate and urgent relief and aid from our government to also be able to continue to provide food for our people,” dagdag pa niya.

ROMER R. BUTUYAN