(Isinusulong sa Kamara)P2K ONE-TIME AYUDA SA LAHAT NG PINOY

AYUDA-1

ITINUTULAK sa Kamara ang pagkakaloob ng one-time P2,000 cash aid sa lahat ng Pilipino bilang kaluwagan sa gitna ng COVID-19 pandemic at ng tumataas na presyo ng bilihihn.

Bibigyang katu­paran din ng House Bill No. 2022 o ang Universal Ayuda Act ni Kalinga party-list Rep. Irene Gay Saulog ang mga layunin ng P401-billion Bayanihan 3 program na nabigong ipasa ng Senado noong 2021. Nasa ilalim din ng Bayanihan 3 ang pamamahagi ng P2,000 ayuda sa bawat Pilipino.

“In order to provide relief from the heavy burden brought about by the ongoing pandemic and the rapid rise of goods and services, a one-time cash aid of P2,000 will be provided to all Filipinos,” nakasaad sa bill.

Ipinanukala rin ni Saulog ang paglalaan ng P218 billion budget para sa pagpapatupad ng batas.

“This ayuda for all Filipinos will be an equitable means of providing assistance especially to those who were neglected in the previous programs of the government,” ayon sa bill na inihain noong July 18, ngunit binasa sa plenary noon lamang nakaraang linggo.

Sa kanyang explanatory note, sinabi ni Saulog na ang cash assistance ay nagmula sa iba’t ibang anyo tulad ng emergency subsidy program na ipinatupad noong 2020 at ng social amelioration program noong 2021.

“While these programs had the noblest of intentions, the implementation was far from ideal. Many were left out. In fact, millions of families were included in the second tranche of ayuda in 2020 after their appeal,” ani Saulog.