BINIGYANG-DIIN nina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre ang pangangailangan na maiayon sa kasalukuyang panahon ang ilang probisyon ng Republic Act No. 7160, o ang Local Government Code of 1991, partikular ang pagtatakda ng monthly honorarium at allowance ng mga opisyal at tauhan ng barangay, kasama na ang mga tanod at iba pa.
“Under Republic Act No. 7160, otherwise known as the Local Government Code of 1991, as amended, barangay officials are compensated in the form of honorarium at an amount not less than P1,000 per month for the Punong Barangay and P600 per month for each Sangguniang Barangay member, Barangay Treasurer and Barangay Secretary,” ayon sa dalawang TINGOG party-list lawmakers
“As the Act was enacted decades ago, such compensations are no longer in accordance with the regional minimum wage level. Further, excluded therein are barangay tanods despite the services they render to their constituents.” dagdag nina Romualdez at Acidre.
Kaya naman sa kanilang inihaing House Bill No. 2349, iminungkahi ng dalawang kongresista na ang minimum allowance ng Punong Barangay na P1,000 ay maging P3,500 per month, habang ang P600 allowance ng Sangguniang Barangay members, barangay treasurer, secretary, kasama ang mga tanod at Lupon ng Tagapamayapa members, ay itataas sa P2,500 kada buwan.
Sinabi rin nina Romualdez at Acidre na ang makatatanggap ng nasabing dagdag honorarium at allowance ay ang mga barangay official, worker at tanod na naglilingkod sa kanilang barangay ng hindi bababa sa isang taon.
ROMER R. BUTUYAN