(Isinusulong sa Kamara)YEAR-END BONUS SA SENIORS

senior

ITINUTULAK sa Kamara ang pagkakaloob ng year-end bonus sa mahihirap na senior citizens.

Inihain ni Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael Vargas ang House Bill 6693, o ang “Paskong Maligaya para kay Lolo’t Lola Bill”, na naglalayong magkaloob ng karagdagang year-end bonus sa mahihirap na matatanda na kuwalipikado sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act at ng Republic Act No. 11916 o ang Expanded Social Pension for Indigent Senior Citizens Act.

Sa ilalim ng panukala, ang mga senior ay tatanggap ng P1,000 bukod sa monthly P1,000 allowance sa ilalim ng Social Pension for Indigent Seniors program, na ipagkakaloob bago ang ika-25 ng Disyembre kada taon.

“Our senior citizens have contributed so much to our country and most have remained capable of supporting their families and grandchildren. This holiday season, let us grant the wish of our lolos and lolas to be granted more benefits albeit through a year-end or Christmas bonus,” sabi ni Vargas.

“Institutionalizing year-end bonuses for our indigent Filipino elderly is a way of providing better social safety nets and protection for our senior citizens and their families. In the spirit of giving, we must extend help especially to our lolos and lolas who need it now more than ever,” dagdag pa niya.

PNA