(Isinusulong sa Kongreso) TAAS-SAHOD SA PRIVATE NURSES

REP PAOLO DUTERTE

PINATATAASAN  ni Deputy Speaker at Davao Rep. Paolo Duterte ang sahod ng mga private nurse.

Sa House Bill No. 7569 o ang ‘Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020’, sinabi ni Duterte na mahalagang maprotektahan ang mga nurse sa pribadong health care facilities sa pamamagitan ng pagtataas sa kanilang sahod at pagbibigay ng mas magandang benepisyo.

Sa ilalim ng panukala ay inaatasan ang   National Wages Productivity Commission (NWPC) ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Health (DOH), Philippine Nursing Association at Private Hospitals Association of the Philippines na magtakda ng angkop na wage increase depende sa lugar at kakayahan ng ospital.

Giit ni Duterte, napakalaki ng kontribusyon ng mga nurse sa mga pribadong ospital ngayong pandemya kaya nararapat lamang na maitaas ang kanilang sahod at benepisyo.

Kamakailan lamang ay itinaas ng pamahalaan ang sahod naman ng mga nurse  sa pampublikong sektor ng P19,845 hanggang P30,531 kada buwan. CONDE BATAC

Comments are closed.