(Isinusulong sa Senado) BENEPISYO PA SA HEALTH WORKERS

Francis Pangilinan

ITINUTULAK sa Senado ang panukalang  dagdagan ang allowances at iba pang benepisyo ng public health workers.

Sa Senate Bill 2142 ay pinaaamyendahan ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang Magna Carta for Public Health Workers o ang Republic Act 7305.

Sa ilalim ng panukala, dadagdagan ng 10% ng kanilang regular na sahod ang night differential ng pubic health workers sa bawat oras ng kanilang duty sa gabi, gayundin ang kanilang overtime pay.

Bukod pa rito ang dagdag na P300 sub- sistence allowance kada araw at P500 laundry allowance na ngayon ay P125 lamang.

Nais din ng senador na bigyan ng P10,000 kada buwan na hazard pay ang public health workers at maaari pa itong dagdagan ng

Health secretary depende sa pangangailangan.

Paliwanag ni Pangilinan, hindi sapat ang compensation para sa mga public health worker lalo na ngayong may pandemya kung saan sila ang nakaharap sa panganib.

Dapat aniyang tumbasan ng makatuwirang benepisyo at proteksiyon ang health care workers na itinuturing na bayani sa gitna ng laban sa COVID-19. LIZA SORIANO

One thought on “(Isinusulong sa Senado) BENEPISYO PA SA HEALTH WORKERS”

Comments are closed.