HABANG nalalapit ang pagbubukas ng klase sa gitna ng patuloy na pagkalat ng Delta variant, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga guro, lalo na yaong mga nahawa o mahahawa ng COVID-19.
Sa pandinig sa Senado, sinabi ni Department of Education (DepEd) Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na nagpanukala ang ahensiya ng pondo upang makapagbigay ng tulong pinansiyal sa mga school personnel na nagka-COVID-19 subalit hindi, aniya, ito nakasama sa 2022 National Expenditure Program (NEP).
Paliwanag ng DepEd, wala itong authorization na gumasta para sa pagpapagamot ng mga school personnel na tinamaan ng COVID-19.
Ngunit ayon sa ahensiya, ang mga guro at kawani ng DepEd na mahahawaan ng sakit ay maaaring makatanggap ng tulong pinansiyal mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Bagama’t maaaring amyendahan ng Kongreso ang panukalang 2022 budget upang mapagbigyan ang kahilingan ng DepEd, hinimok ni Gatchalian ang DepEd at PhilHealth na bumuo ng special lane para sa mga guro. Ayon sa senador, ito ang pinakamabilis na paraan upang matulungan ang mga guro.
“Ang aking rekomendasyon ay makipagtulungan ang DepEd sa PhilHealth na gumawa kahit ng special lane lang para sa ating mga guro. Malaking tulong na ito dahil masakit ang reimbursement, kung saan mag-aabono ka muna bago mo matanggap ang inaasahan mong tulong. Alam nating matagal pa bago matanggap ang reimbursement. Minsan inaabot ng dalawa o tatlong buwan. Kung walang follow-up, lalo pang tumatagal,” pahayag ng chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.
“Kailangang maramdaman ng mga guro na espesyal sila dahil espesyal ang ginagawa nila sa panahong ito,” dagdag ng senador.
Tiniyak ng mambabatas na sa pagrepaso ng panukalang 2022 budget, magsusulong siya ng mga amendment upang magkaroon ang DepEd ng authorization na magbigay ng tulong pinansiyal sa mga personnel na mahahawa ng COVID-19.
Simula noong ipatupad ang distance learning, inirereklamo na ng mga guro ang kawalan ng tulong pinansiyal para sa kanila at kawaning nagkakasakit dahil sa COVID-19.
Bukod sa cash allowance na P5,000 na ipinagkaloob noong Hunyo, inaprubahan na noong Mayo ang pagtaas sa Special Hardship Allowance (SHA) na ngayon ay katumbas na 25% ng buwanang sahod ng mga guro. VICKY CERVALES
909910 230404I gotta favorite this website it seems handy quite helpful 960146
637333 932809There is noticeably lots of dollars to recognize about this. I assume youve created certain good points in attributes also. 530601
90861 398851Hey man, .This was an exceptional page for such a hard topic to speak about. I appear forward to reading numerous much more excellent posts like these. Thanks 922039
676702 568960I want looking at and I believe this site got some actually beneficial stuff on it! . 975337