(Isinusulong sa Senado) KORYENTE, GASOLINA MULA SA BASURA

Basura

MAY pakinabang sa basura. Ito ang nakapaloob sa panukalang batas na inihain ni Senador Francis Tolentino na naglalayong gamitin ang garbage o basura bilang source ng koryente at gasolina.

Sa kanyang Se­nate Bill 4010 o ang ‘An Act Allowing the Use of Waste to Energy Techno­logy in Electricity, Fuel and Heat Generation, and for Other Purposes’, binigyang-diin ni Tolentino na ang problema sa hindi tamang pagtatapon ng basura ang nakada­ragdag sa environmental problem ng bansa.

Batay sa pag-aaral ng Japan International Corporation Agency (JICA), 10  porsiyento lang ng mga local government unit (LGU) ang talagang sumusunod sa sanitary landfill method na alinsunod sa R.A. Nol 9003.

“The situation would worsen as around 80 to 90 percent of the capacity if the constructed sanitary landfills have already been utilized and is projected to be at full capacity within the next five years,” sabi ni Tolentino.

Kasabay ng problema sa pagtatapon ng ba­sura, ayon sa senador, ay ang paparating na krisis sa enerhiya.

Aniya, ramdam ito sa pamamagitan ng rotational brownouts na ipinatutupad ng mga electric supplier sa ilang bahagi ng bansa at sa tumataas na halaga ng kor­yente bunsod ng kakulangan ng suplay nito.

Para maresolba ang problema sa pagtatapon ng basura at kakapusan ng suplay ng enerhiya, iminungkahi ni Tolentino ang paggamit ng ‘waste to energy technologies’ kasunod ng desisyon ng Supreme Court sa kaso ng Metropolitan Manila Development Authority vs Jacorn Environmental Corporation kung saan sinabi rito na hindi ipinagbabawal sa ilalim ng RA 8749 o Clear Air Act ang paggamit ng inceneration bilang paraan ng waste disposal.

“There have been several attempts to establish waste to energy facilities which were even backed by the national government and local government units but which ever pushed through because of legal impediments,” sabi ni Tolentino. VICKY CERVALES

Comments are closed.