UMABOT na sa plenaryo sa Senado ang panukalang P100 pagtataas sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
Ayon kay Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development chair Jinggoy Estrada, tinatayang nasa 4.2 million minimum wage earners sa pribadong sektor ang makikinabang sa Senate Bill (SB) 2534.
“Under this measure, all employees in the private sector in the entire country, whether agricultural or non-agricultural, are entitled to (a) PHP100 minimum wage increase,” pahayag ni Estrada sa kanyang sponsorship speech.
Aniya, daragdagan ng SB 2534 ang wage increases na inaprubahan na ng regional wage boards.
“Thus, after consideration of the existing socio-economic conditions and positions of various sectors, it is incumbent upon us to propose a daily pay hike to help alleviate the burden of Filipinos in the face of soaring prices of basic commodities and rising cost of living,” sabi pa ng senador.
Ipinaliwanag pa ni Estrada na ang pagsasabatas sa panukala ay magreresulta sa pagtaas ng purchasing power ng mga consumer at magpapasigla sa economic activity, na makatutulong sa national growth.
“This wage hike bill would also help attain our goal of reducing poverty incidence rate in the coming years to have a prosperous, predominantly middle-class society where no one is poor by 2040,” sabi pa ni Estrada.
Aniya, sa ilalim ng Philippine Development Plan, target ng pamahalaan na mabawasan ang poverty incidence rate sa 13.2 percent sa 2025 at sa 9 percent sa 2028.
Ang SB 2534 ay ang pinagsamang SB 2002 na inihain ni Senate President Zubiri, kasama sina Senate Pro Tempore Loren Legarda at Senators Nancy Binay, at Christopher Lawrence Go bilang co-authors, at SB 2018 ni Senator Ramon Revilla Jr.
(PNA)