(Isinusulong sa Senado) PROTEKSIYON PA SA CONSUMERS VS FRAUDSTERS

SEN WIN GATCHALIAN

ITINUTULAK ni Senador Win Gatchalian ang ilang mga hakbang na magsusulong sa kapakanan ng mga konsyumer laban sa mga manggagantso at mapanlinlang na pamamaraan ng ilang financial service providers.

Ayon kay Gatchalian, kailangang bumalangkas ng mga panuntunan upang maprotektahan ang publiko sa mga nananamantalang may pautang lalo na’t maraming nawalan ng trabaho noong magsimulang pumutok ang pandemya.

“Lubhang nakababahala ang pagdami ng reklamo mula sa mga konsyumer laban sa mga naglipanang nagpapautang sa online o kaya ay mga loan sharks na lalo pang naging mapangahas ngayong may pandemya. Alam nilang hindi sila sakop ng financial regulators kaya kailangan ng mas epektibong mekanismo na tutugon sa mga makabagong pamamaraan ng mga mapagsamantala sa kapwa,” paliwanag ni Gatchalian sa paghahain ng Senate Bill No. 2287.

Sa kanyang inihaing SB No. 2287 o ang ‘Financial Products and Services Consumer Protection Act’, layon ng senador na palawakin pa ang hurisdiksiyon ng mga government financial regulator upang masakop ang lahat ng klase ng inilalakong serbisyo at produkto ng mga tinatawag na financial service providers sa bansa.

Sa ilalim ng panukalang batas, bibigyan ng kapangyarihan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), Insurance Commission (IC) at Cooperative Development Authority (CDA) na magsagawa ng mga kaukulang hakbang na layong lalong maprotektahan ang kapakanan ng publiko tulad ng market conduct surveillance and examination, market monitoring, enforcement, provision of complaints handling mechanism, adjudication, at paggawa ng mga nararapat na panuntunan.

Parurusahan naman ang mga financial service provider na gumagamit ng mga mapang-abusong pamamaraan ng paniningil sa mga nangutang o bayarin, ayon sa Vice Chairperson ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.

Napag-alaman ng senador na umabot sa kabuuang 15,015 ang mga reklamong natanggap ng Consumer Empowerment Group ng BSP sa unang siyam na buwan noong nakaraang taon o mas mataas ng 63.3% sa bilang ng mga naitalang reklamo noong 2019 na umabot lamang sa 9,250.

Hindi pa kasama sa kabuuang bilang na ito ang mga hindi naidulog na reklamo ng ilang indibidwal o mga negosyante na mas ninais na lang na hindi gumawa ng hakbang dahil na rin sa kawalan ng tiwala kasunod ng kawalan ng aksiyon sa bahagi ng mga bangko at kinauukulan na nagpapatupad ng batas, dagdag pa ni Gatchalian. VICKY CERVALES

3 thoughts on “(Isinusulong sa Senado) PROTEKSIYON PA SA CONSUMERS VS FRAUDSTERS”

  1. 535731 945112Average In turn sends provides could be the frequent systems that provide the opportunity for ones how does a person pick-up biological, overdue drivers, what one mechanically increases the business. Search Engine Marketing 400816

Comments are closed.