(Isinusulong sa Senado)MOTORCYCLE TAXIS GAWING LEGAL

ANGKAS-4

ISINUSULONG ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito ang isang panukala para gawing legal ang motorcycle taxis bilang public utility vehicles (PUVs) sa gitna ng demand para sa dagdag na opsyon sa murang transportasyon ng mga mananakay sa Metro Manila.

Ayon kay Ejercito, mahalagang magkaroon ng batas para rito dahil sa kasalukuyan ay pinapayagan lang silang mag-operate sa pamamagitan ng provisional authority na inisyu sa kanila ng Department of Transportation (DOTr).

“Kasalukuyan kasi, ginagamit na ‘yan for delivery couriers, for motorcycle taxis, because of technology. Pero provision authority to operate pa lang,” pahayag ni Ejercito.

Bukod kay Ejercito, kilalang motorcycle at bike enthusiast, marami pang senador ang naghain ng mga panukala para i-legalize ang motorcycle for hire. Kabilang dito sina Sen. Grace Poe. Sonny Angara, Imee Marcos at Ramon Bong Revilla Jr.

“Itong mga ito na finile namin — tulad nina Senator Grace Poe, chairman ng public services committee –– ay ma-legalize na itong ganitong operation,” ani Ejercito.

“Nakita natin kasi ang competition… the motorcycle taxis and couriers, lalo na nitong pandemya… lalo na ngayon medyo na matindi na ulit ang traffic,” dagdag pa niya.

Noong Hulyo 2022, inihain ni Ejercito ang Senate Bill Number 167 o ang Public Utility Motorcycles Act. Layunin ng panukala ni Ejercito na amyendahan ang 58 taong Republic Act No. 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code, para payagan ang mga motorsiklo na maging PUVs na legal na makapaghahatid ng mga pasahero na may bayad.

Sa paghahainng panukala, binigyang-diin ni Ejercito na dapat matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

“Well in fairness sa Angkas, Grab, yung mga Lalamove, sa tingkin ko, napansin ko, yung mga riders nila, medyo trained ‘yan at talagang maayos silang mag-ride,” ani Ejercito.

VICKY CERVALES