‘STATISTICALLY tied’ at kapwa Top Choice sa mga botante para presidente sina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. base sa pinakahuling survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
Sa survey ng RPMD mula Nobyembre 16-24, 2021, nakakuha ng 23.94% si Marcos para sa unang puwesto, at ikalawa naman si Moreno na kumabig ng 21.75% sa ginawan and g face-to-face interview sa 10,000 responde nts na kinuqha mula sa 61,834,760 rehistradong botante.
Masasabing kapwa nasa unang puwesto sina Isko at Bongbong dahil magkadikit na magkadikit ang puntos na nakuha nila na may ‘margin of error of 2+/-with 95% confidence level.’
Umabot sa 2.56% sa respondent ay hindi sumagot sa taong na: Who would you vote for President if the election will be held today? (Sino ang iboboto mong Presidente kung ngayon na ang eleksiyon?)
Sa Metro Manila, nangibabaw sa lahat ng kandidatong pangulo si Yorme Isko sa nakuhang 30.18%, at kahit sa Visayas, tinalo ni Isko sa nakuhang 19.80% si Bongbong na nagtamo lamang ng 17.87 percent.
Nanguna naman si Marcos Jr. sa Luzon, 28.85% laban kay Moreno, 22.70%.
Sa Mindanao, 19.27% ang nakuha ni Bongbong kumpara sa 17.56% na naipuntos ni Isko.
Sa iba pang resulta ng survey: nanguna sa Visayas si Sen. Manny Pacquiao sa nakuhang 20.52% at 20.52% sa Mindanao para sa ikatlong puwesto sa kabuuang 15.94%.
Halos kapantay ni Pacquiao sa ikatlong puwesto si Vice President Leni Robredo na nasa ikaapat na puwesto sa nakuhang 15.10 percent.
Nasa ikalimang puwesto naman si Sen. Christopher ‘Bong’ Go, 14.25%; ikaanim naman si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson at nasa ikapitong puwesto si Ernie Abella sa 0.10 percent.
Sa mga kandidatong bise-presidente, napakalayo ng agwat ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga katunggali na kumabig ng mataas na 44.88%.
Sumunod kay Sara si Senate President Tito Sotto sa 33.20% para sa ikalawang puwesto; ikatlo si Sen. Kiko Pangilinan, 11.34% at ikaapat si Dr. Willie Ong, 6.96% at ikalima si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa 2.11 percent.
Nagpasalamat si Yorme Isko sa magandang resulta ng survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. na nagpakitang dikit na dikit sila ng nangungunang si Marcos Jr.
“Salamat naman pero malayo pa. Tao muna ang pagtutuunan ko ng atensiyon,” sabi ni Isko.
Idinugtong niya na mas gusto niya na mag-ikot sa iba’t ibang panig ng bansa para malaman ang mga problema at hinaing ng mamamayang Pilipino.
“Gusto ko munang makinig sa tao … at the same time, mairaos natin ‘yung tao, maitawid natin ‘yung tao.
Kasi hirap ang mga tao ngayon,” paliwanag ng kandidatong presidente ng Aksyon Demokratiko.
Sa survey ng RPMD mula Oktubre 17-26, 2021, pumuwesto na Numero Uno at Top Choice si Yorme Isko sa mga katunggaling kandidato sa tinanong na 10,000 indibidwal.
Sa survey na ito ng RPMD noong Oktubre, tinalo ni Yorme Isko ang lahat ng kandidatong pangulo sa kabuuang 25.39 % na nakuha sa buong bansa.
Sa ginagawang “Listening Tour” sa maraming lugar sa bansa, kasama ang katiket na si Doc Willie Ong na kandidatong bise presidente, inihahayag nila ang “Bilis Kilos 10-Point Program of Governance” sa mamamayang Pilipino na magtataguyod ng pangangalaga sa Buhay at Kabuhayan, trabaho at hanapbuhay, mahusay at maagap na tugon laban sa pandemyang COVID-19 at pagkakaloob ng dekalidad na edukasyon, maraming pabahay at seguridad sa pagkain.
Hinihikayat ng tambalang Moreno at Ong ang mamamayan na suportahan ang kanilang kandidatura at ipinangako na kung ang maraming mabubuting programa at proyektong ginawa sa Maynila ay magagawa rin sa maraming lungsod at munisipalidad sa bansa.