ISKO BALIK TRABAHO NA

NAGBALIK trabaho na si Manila Mayor Isko Moreno nitong Linggo.

Ayon kay Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla na base sa medical certificate na ibinigay sa alkalde ng cardiologist na si Dr. Paul Lucas at Dr. Nerissa Sescon, hepe Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) nang lumabas sa pagamutan noong Agosto 25 si Moreno ay puwede nang magbalik trabaho ito sa Agosto 29.

Ito ay makaraang makumpleto ni Moreno ang karagdagang araw ng isolation at kailangang pahinga, matapos dumanas ng sintomas at napabilang sa mild at moderate na kaso ng COVID-19.

Patuloy na pinag-aralan ng alkalde ang napakaraming dokumento na nangangailangan ng kanyang pirma at atensiyon kahit na weekend o Linggo kung saan ang normal na operasyon ng local government units ay mula Lunes hanggang Biyernes lamang.

Inaprubahan din ng alkalde ang paglabas ng P64.5 million bilang allowance ng 22,636 senior citizens mula District 6 kung saan inatasan ang Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) na tiyakin ang mabilis na pamamahagi nito.

Ang nasabing halaga ay kumakatawan sa P500 buwang allowance ng mga senior citizen sa nasabing distrito ng lungsod.

Ang cash aid ay bahagi ng social amelioration package na ibinibigay ng local government ng Maynila sa persons with disabilities (PWDs) mag-aaral, solo parents at senior citizens.

Sinabi ni Moreno na tatanggap ang senior citizens ng P3,000 bawat isa na sumasakop mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo 2021.

Tapos na rin ipamahagi ng lungsod ang parehong cash assistance sa mga seniors ng District 1 hanggang District 5.

Kabilang sa nakatakdang gawain ni Moreno ngayong Lunes ay ang groundbreaking ng panibagong housing program sa Pedro Gil sa Ermita. VERLIN RUIZ

99 thoughts on “ISKO BALIK TRABAHO NA”

  1. 216992 167405Hi, ich habe Ihre Webseite bei der Suche nach Fernbus Hamburg im Internet gefunden. Schauen Sie doch mal auf meiner Seite vorbei, ich habe dort viele Testberichte zu den aktuellen Windeleimern geschrieben. 584707

Comments are closed.