SA mismong Pasko ng pagkabuhay, tumanggap na rin ng kanyang bakuna si Manila Mayor Isko Moreno, isang buwan matapos ilatag ng pamahalaang lungsod ang vaccination program kung saan tinalo nito ang ibang lungsod at munisipalidad sa bansa pagdating sa lawak at dami ng mga naturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Mismong si Vice Mayor Honey Lacuna na isa ring doktor ang nagturok ng Sinovac vaccine kay Moreno sa Osmena High School sa Tondo ganap na alas-8 ng umaga kahapon.
Sa kasalukuyan ang lungsod ay nakapagbakuna na ng 41,692 mga indibidwal hanggang Abril 3, kung saan kabilang ang A1, A2 at A3 categories na pawang medical and health frontliners, senior citizens na may comorbidities at edad 18-58 na may comorbidities.
Pinasalamatan ni Moreno ang national government sa ilalim ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte,
Department of Health sa pamumuno ni Francisco Duque III at ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagpayag nito na lmabakunahan na ang mga alkalde dahil sa palagiang pangunguna ng mga ito sa laban kontra pandemya.
Dahil sa nakatanggap na ng bakuna, hindi na masyadong inaalala ni Moreno na mapabilang siya sa severe case ng COVID-19.
Matatandaan na si Moreno ay natutulog sa kanyang tanggapan sa City Hall simula pa ng pandemya at na-swabbed na rin siya ng walong beses dahil sa walong beses na pagkaka-exposed sa kapwa opisyal at kawani na positibo sa COVID-19.
Ayon kay Moreno, ang mga alkalde na tulad niya ay hindi ‘Superman’ at ang pagkakabilad sa COVID-19 habang pinamumunuan ang lungsod upang mapagilan ang pagkalat ng virus sa araw-araw ay naglalagay sa kanila sa matinding peligro na makakuha ng virus na maari nilang ikamatay.
Binanggit ni Moreno ang kaso ng ilang alkalde na nahawa ng dalawang ulit sa virus at namatay dahil dito.
Sa panig naman ni Lacuna ay sinabi nito na labis ang kanyang pagkatuwa dahil mayroon ng karagdagang proteksyon si Moreno laban sa coronavirus, dahil kailangang-kailangan ng lungsod at ng mamamayan nito ang liderato ng alkalde lalo na sa mapaghamong panahong kasalukuyan.
Bilang isang doktor, naunang nabakunahan si Lacuna kaysa kay Moreno dahil siya ang namumuno sa vaccination rollout ng lungsod kung saan ang kanyang pagkadalubhasa sa medical profession ay nagamit at ito ay makaraang pagkalooban siya ng alkalde ng supervisory power sa lahat ng health cluster ng lokal na pamahalaan.
Samantala, pinaalalahanan ni Moreno ang lahat ng mga naturukan na ng bakuna na patuloy na ipatupad ang minimum health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay at social distancing dahil binigyang diin ng alkalde na hindi nagbibigay ng garantiya ng immunity ang bakuna mula sa COVID-19. VERLIN RUIZ
447115 659433Wholesale Low-cost Handbags Will you be ok merely repost this on my web site? Ive to allow credit exactly where it can be due. Have got a terrific day! 593193
38492 208663Hi there, just became aware of your blog through Google, and found that its actually informative. Im gonna watch out for brussels. Ill be grateful should you continue this in future. Many people will probably be benefited from your writing. Cheers! 842494