ISKOMOTION. Cebu’s best, ninamnam ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, standard bearer ng Aksyon Demokratiko, ang lutong at sarap ng balat ng lechon sa Cebu habang saglit na namamahinga sa kanyang “listening tours” sa nasabing lalawigan. Hindi magiging ganap ang pagbisita sa Cebu kung hindi matitikman ang sikat nitong Cebu lechon.