ISKWATER MAY PABAHAY SA UP, QC

LIBRENG  pabahay ang hatid ng University of the Philippines (UP) at gobyernong lokal ng Quezon City para sa mga informal settlers sa paligid. Ito ang pahayag kamakailan nina UP President Angelo A. Jimenez at QC Mayor Ma. Josefina “Joy” G. Belmonte.

Nagkasundo silang gawing pormal ng 25-taong usufruct agreement kung saan papayagan ang probisyong magkaroon ng disenteng tahanan ang mga informal settler familied (ISFs) sa dalawang temporary relocation sites (TRS) sa loob ng UP Diliman campus.

Pinirmahan ang kasunduang magbibigsy ng will benepisyo sa mga kwalipikadong pamilya, Kasama na ang mga apektado ng itinayong the UP Philippine General Hospital (PGH) Diliman project sa Pook Arboretum ay ang mga nawalan ng tahanan dahil sa sunog noong May 2022, gayundin ang mga pamilya sa Pook Marilag.

Isinagawa ang seremonya ng kasunduan sa loob ng UP Board of Regents Room sa Quezon Hall, UP Diliman, noong June 19, 2024.

Sa nasabing kasunduan, responsable ang QC sa relocation ng mga ISF, pagpapagawa ng hindi bababa sa 300 housing units na pwedeng tirahan ng maayos, at management ng TRS, Kasama na ang probisyon at maintenance ng pasilidad ng tubid, kuryente at pagtatapon ng basura.

UP naman ang bahala sa lupang pagtatayuan ng mga TRS at paninigurong naiatutupad ang mga napagkasunduang polisiya na ibinigay ng QC.

May karapatan ang na tapusin ano mang oras ang usufruct agreement basta may sapat na dahilan, o kung hindi tumupad ang QC government sa kasunduan.

Tinatayang12,236 square meters ang lawak ng Pook Arboretum TRS, habang ang Pook Marilag TRS ay aabot naman sa 36,175 square meters.

Pinayagan ng UP Board of Regents ang nasabing kasunduan upang makatutulong kahit paano sa mga informal settlers sa paligid ng UP.

Umaasang si UP President Jimenez na magiging matagumpay ang collaborative effort na itong nagkakayong maresolba ang isang napakakumplikadong problema.

“This is a long-term but temporary solution, and it will give us breathing space to imagine a far more comprehensive resolution, a very humane, just, and legal way to address the issues of informal settlers,” aniya.

Binigyang diin naman ni Mayor Belmonte ang kahalagahan ng tiwaka at shared values upang matugunan ang mga pangangailangan at karapatan ng mga ISFs. “We have come here today, asking you to trust us as we embark on this shared journey of looking for ways to solve the biggest problem for me in Quezon City, which is helping our less fortunate brothers and sisters secure housing,” ayon Kay Mayor Joy.

“We realized that the beginning of progress starts with people calling a place their home… Malaking bagay ‘yan sa pagbabago ng mindset nila [na maging] mamamayang may responsibilidad at civic duties sa lungsod na tinitirhan,” paliwanag pa niya.

Kasamang pumirma ni Belmonte sa kasunduan sina Carlo Lopez Austria, pinuno ng Quezon City Legal Department; Ramon T. Asprer, head ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD); Action Officer Al Flores; at ilang QCG staff.

Kasama naman ni Jimenez sina Faculty Regent Carl Marc L. Ramota; Student Regent Sofia Jan D.G. Trinidad; Secretary of the University Roberto M.J. Lara; Executive Vice President Jose Fernando T. Alcantara; Vice President for Academic Affairs Leo D.P. Cubillan; Vice President for Planning and Finance Iryn Y. Balmores; Vice President for Development Daniel C. Peckley, Jr.; Vice President for Legal Affairs Abraham Rey M. Acosta; Assistant Vice President for Public Affairs Jeanette L. Yasol-Naval; Peter A. Sy, Assistant Vice President for Development (Digital Transformation); Richard S. Javier, Assistant Vice President for Administration (Human Resource Development); UP Diliman Chancellor Edgardo Carlo L. Vistan II; at UP staff.
JAYZL NEBRE