ISLA SA MASBATE INI-LOCKDOWN

CAWAYAN-IPINATUPAD ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Isla ng Pena sa lugar na ito noong Hunyo 2 makaraang magpositibo sa RT-PCR test ang 35 na residente rito.

Batay sa resolusyong inihain ng Municipal Inter Agency Task Force sa Bicol at Provincial IATF, nasa critical zone ngayon ang islang ito sa loob ng 14 araw kung saan ipinagbabawal lumabas ng bahay ang sinoman maliban sa isang kaanak para bumili ng pang araw-araw na pangangailangan sa mga tindahan rito.

Napag-alaman na ang ugat ng hawaan ay mula sa ilang LSIs na umuwi rito galing Bataan at Cavite na hindi dumaan sa quarantine at health protocols ng lokal na pamahalaan ang itinuro umanong dahilan ng biglang pagtaas ng kaso rito.

Bantay-sarado naman ng MIATF Quick Response team na pinamumunuan ni Fel Monares at ABC President Richard Arcenal katuwang ang mga kasapi ng PNP, BFP at opisyales ng Barangay upang ipatupad ang alituntunin ng ECQ sa islang ito na aabot hanggang Hunyo 15.

Kaugnay nito, kaagad na nagsagawa ng relief operations ang LGU sa pamumuno ni Cawayan Mayor Edgar Condor sa apektadong 600 na pamamahay upang may sapat silang pagkain sa pansamantalang pagtigil ng kanilang pangkabuhayang pangingisda. NORMAN LAURIO

26 thoughts on “ISLA SA MASBATE INI-LOCKDOWN”

  1. 240223 455938Youre so cool! I dont suppose Ive read anything in this way before. So good to uncover somebody with some original tips on this subject. realy appreciate starting this up. this outstanding internet site is something that is required more than the internet, a person if we do originality. valuable work for bringing something new towards the web! 387243

Comments are closed.