ISLA VERDE FARMERS NAKATANGGAP NG SOLAR-POWERED IRRIGATION SYSTEM

ISLA VERDE FARMERS

BATANGAS CITY – Kasunod ng energization ng nasa 40 tahanan sa Isla Verde, ng probinsiyang ito ngayong buwan, nakatanggap din ang mga magsasaka ng Barangay San Agapito ng solar-powered irrigation system mula sa Bureau of Soil and Water Management (BSWM) ng Department of Agriculture (DA) para mapalakas ang  produksiyong pang-agrikultura.

Isiniwalat ni Engr. Pablito Balantac, chief of the Office of the Provincial Agriculturist (OPA) kama­kailan na ang mga magsasa-ka ng San Agapito ang mga naunang tumanggap ng proyektong ito sa 105 barangay dahil sa pagkaka-install ng solar-power sa isla.

“Magagamit din ang solar energy na ito sa mga itatayong waterworks projects dito,” ani Balantac, at binigyang-diin na ang irri-gation system ay lalong makapagpapalakas ng kanilang livelihood income at agricultural productivity.

Sinabi niya na ang pagpapagawa ng solar-powered irrigation system ay makapagbibigay benepisyo sa mga taga-isla, lalo na ang mga magsasaka at mga manggagawa sa agrikultura na miyembro ng Association of San Agapito Farmers and Fisherfolk na siyang magpapatakbo at mangangalaga ng mga kagamitan.

Dagdag pa ni Balantac na layon din ng DA solar-irrigation project na mai­taguyod ang conservation at tamang paggamit ng soil and water resources para matulungan ang mga magsasaka na maabot ang pagpapanatili ng produksiyon at pagsasaka na kumikita.

Samantala, ipinaliwanag ni Assistant City Agriculturist Flora Andal na ang solar-powered irrigation system ay ipatutupad sa pamamagitan ng Organic Agriculture Program, kung saan ang 75 porsiyento ng solar pump ay magagamit para sa irigasyon ng sakahan habang ang 25 porsiyento ay magagamit ng sambahayan.

Sinabi ni Andal na ang Office of City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS)-Crops Division ay gagawa rin ng series of trainings para sa mga residente ng San Agapito island tungkol sa  organic vegetable production sa tatlong ektaryang lupa na nakalaan para sa proyekto. PNA