ISLAMIC BANKS SA PINAS, LUSOT NA SA HOUSE COMMITTEE

Rep Henry Ong

TIWALA si House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman at 2nd Dist. Leyte Rep. Henry Ong na maitatala sa kasaysayan ng bansa ang 17th Congress na nagkaroon ng malaking ambag sa pagsusulong ng kaunla­ran ng Mindanao at iba pang bahagi ng bansa kung saan naninirahan ang mga Filipino Muslim.

Ito ay kasunod ng pagkakaapruba ng kanyang komite sa House Bill 8281 o ang Islamic Banking Bill, na ang pangunahing layunin ay ang bigyang-daan ang pagbubukas ng Islamic banks at pagpasok sa Fili­pinas ng iba pang foreign Islamic banks.

“The Islamic Banking bill (HB 8281) which was approved at committee level this week has the great potential to speed up economic development in Mindanao and the country’s integration with ASEAN, as well as reduce the number of unbanked and under-served among Filipino Muslims,” pahayag ni Ong.

“This is a landmark measure. When the future history of our country is told, the Islamic Banking bill this 17th Congress will enact will be identified as one of the pivotal pieces of legislation that spurred economic growth in Min­danao and other parts of our country where there are tens of thousands of Filipino Muslims,” dagdag pa ng Leyte province solon.

Sa ilalim ng HB 8281, binibigyan ng kapangyarihan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pahintulutan o bigyan ng kaukulang permiso ang operasyon ng Islamic banks, kabilang na ang pinamamahalaan ng mga dayuhang bangko.

Bukod dito, pina­lalawak din nito ang local financial vocabulary, kabilang na ang tinatawag na ‘financial instruments and practices’ gaya na lamang ng Islamic finance terms na riba (receipt and payment of interest), sukuk (bonds), mudarabah (partnership), musharakah (joint venture), murabahah (cost-plus financing purchasing), ijara (lease) at istisna’a (manufacture arrangements).

“Islamic banks will be regulated in the same ways as the other banks under the jurisdiction of the BSP, but the BSP will promulgate rules specific to how Islamic banking and finance practices shall be conducted,” ayon kay Ong.

Sinabi pa ng committee chair na mas maraming Islamic banks, mas marami at malaki ang oportunidad sa pagpasok ng direct investment lalo na sa hanay ng international Islamic banks na nasa ASEAN, Middle East at maging sa Africa.

Mabibigyan din, aniya, ng karagdagang pagkakataon ang marami na makapamili ng bangko na nais nilang magkaroon ng transaksiyon, kabilang na ang mga Pinoy overseas worker at Arab o Islam investors na nandito sa bansa.

“Aside from more ways for OFWs in the Middle East to send remittances, Arab investors and bankers will have more reasons to participate in the growth of our economy,” dagdag pa ng kongresista.  ROMER R. BUTUYAN

 

Comments are closed.