ISLAND COVE ISASARA NA

INANUNSIYO kahapon ng Island Cove Hotel and Leisure Park, isang 36 ektaryang resort na pag-aari ng Remulla clan sa Cavite, ang pagsasara ng operasyon nito matapos ang 20 taon sa negosyo.

Sa kanilang Facebook page, sinabi ng hotel-resort na titigil na ang kanilang operasyon simula sa Hulyo 28, 2018.

Nagpasalamat ang resort sa mga tumangkilik sa kanila, lalo na ang mga naging kliyente at mga bisita sa nakalipas na dalawang dekada.

“It has been a pleasure serving our guest and clients as well as working with our partners over the past two decades,” pahayag ng Island Cove.

Bago ang anunsiyo, ang hotel-resort ay nagkaroon ng promo na ‘last chance room sale’ na hanggang 40 percent sa lahat ng room categories mula Hunyo 27 hanggang Hul­yo 27.

Hindi naman binanggit ng Island Cove ang espesipikong dahilan ng pagsasara nito.

Comments are closed.