ISO CERTIFICATE IGINAWAD SA BUREAU OF IMMIGRATION

Bureau-of-Immigration

GINAWARAN ang Bureau of Immigration (BI) ng certification ng International Standard Office (ISO) dahil sa kanilang matagumpay na pagtupad sa kanilang tungkulin.

Ipinagkaloob ang award kasabay ng 78th Founding Anniversary ng kagawaran nitong  Setyembre 7.

Ayon kay Commissioner Jaime Morente, ang pagkakatanggap ng award na ito  ay sa pamamagitan ng  may kalidad na pagganap sa trabaho ng kanyang mga tauhan sa entry at exit ng mga  pasahero sa  Ninoy Aquino International Airport, partikular na sa temporary extension o pansamantalang paninirahan ng mga turista o temporary visitors visa sa ilalim ng Tourist Visa Section.

Sinabi ni Morente na ang certification na kanilang natanggap ay isang “major achievement ng kanyang opisina”.

Ang  ISO certification ay internationally-recognized standard bilang pagpapatunay na ang isang ahensiya ng pamahalaan ay patuloy na nagbibigay ng magandang serbisyo sa publiko.

Matatandaan na ang BI ang unang attached agency ng Department of Justice (DOJ) na nakatanggap o binigyan ng award ng ISO noong Setyembre 2016, resulta sa sipag at tiyaga ng kanilang mga tauhan lalo na sa extension of stay ng mga dayuhan.

Ani ni Morente, ang ISO 9001:2015 Certification award ay very timely at kasabay pa ng kanilang ika-78 anibersaryo.     FROI MORALLOS

Comments are closed.