ISOLATION ROOMS, HEALTH OFFICERS IPINALALAGAY SA WORKPLACE

BOI Chairman Ramon Lopez

NAGPALABAS kahapon ang  Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong guidelines sa pagbabalik ng mga manggagawa sa trabaho kasunod ng pagsasailalim sa Metro Manila sa mas maluwag na general community quarantine simula ngayon, Miyerkoles.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, ang mga negosyo ay inaatasang magtalaga ng isang isolation room para sa bawat  200 empleyado at maglagay ng health officers at bumuo ng health committees na makikipag-ugnayan sa gobyerno.

“Makakatulong sa workers na kung may masamang pakiramdam at least may isolation room agad sa place of work. ‘Yung isola-tion room need not be inside the premise of factory or company. Puwedeng may arrangement sa labas,” sabi ni Lopez.

Aniya, hindi rin inoobliga ang mga kompanya na magsagawa ng test sa mga magbabalik na empleyado na walang sintomas ng COVID-19.

Gayunman ay inaatasan sila na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan kapag sumailalim ang isang empleyado sa COVID-19 testing para sa monitoring.

“Kunwari ay babalik po tayo sa trabaho, hindi po ire-require kahit anong test kung wala naman tayong symptoms,” anang kali-him.

“Kailangan may coordination kaagad sa barangay and LGUs concerned. Ganoon din sa resulta. Importante ho ‘yun para nasa ta-laan agad ng DOH. Kung positive mag-umpisa agad ang contact tracing.”

Idinagdag pa ng DTI chief na hinihikayat ang mga establisimiyento na magkaloob ng shuttle services, medical insurance at sick leave benefits sa kanilang mga empleyado.

Comments are closed.