NADAGDAG ang mga bansang Lebanon at Israel sa mga bagong bansa na may mga kaso ng coronavirus disease 2019, ayon sa World Health Organization (WHO).
Sa isang situation report ay sinabi ng WHO na dagdag ang mga kasong ito sa 76,392 confirmed cases at 2,348 deaths sa China habang 1,402 ang kumpirmadong kaso at 11 ang nasawi sa labas ng China.
“The role of environmental contamination in the transmission of COVID-19 is not yet clear,” ayon sa WHO.
Ang mga kaso ng coronavirus ay nakita sa central China Disyembre 2019 hanggang sa kumalat ito sa mga bansang South Korea, Japan, Singapore, Malaysia, Australia, Vietnam, Philippines, Cambodia, Thailand, India, Nepal, Sri Lanka, US, Canada, Germany, France, Italy, United Kingdom, Russian Federation, Spain, Belgium, Finland, Sweden, Iran, United Arab Emirates at Egypt.
Nitong Pebrero 18, naglathala ang WHO ng bagong protocol na pinamagatang “Surface sampling of coronavirus disease 2019: A practical “how to” protocol for health care and public health professionals”.
“This protocol was designed to determine viable virus presence and persistence on fomites in various locations where a COVID-19 patient is receiving care or isolated, and to understand how fomites may play a role in the transmission of the virus,” ayon sa WHO.
Ipinayo ng WHO ang madalas na paghuhugas ng mga kamay, pag-iwas sa paglapit sa mga farm and wild animals, paggamit ng cough etiquette, at pag-iwas sa mga taong may mga acute respiratory infections upang makaiwas na mahawahan.
Idineklara rin ng WHO ang COVID-19 outbreak bilang international health emergency. PNA