CAGAYAN DE ORO CITY-TINIYAK ng pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) na walang nasaktan o nasirang ari-arian sa naganap na pagbagsak ng kanilang unmanned aerial vehicles (UAV) nitong Sabado sa lalawigang ito.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maynard Mariano, kasalukuyang nang sinisiyasat ang dahilan sa pagbagsak ng Israeli made Hermes 900 drone, isang unmanned aerial vehicles (UAV) na ginagamit sa surveillance operation.
Paliwanag ni Mariano, hindi nila agad matutukoy ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing spy plane hanggat hindi natatapos ang isinasagawang malalimang imbestigasyon.
Batay sa ulat ng PAF bandang alas-9:30 ng umaga kamakalawa ng hapon nang mag-take off ang Hermes 900 drone sa Lumbia Airport para magsagawa ng functional check flight.
Pagkatapos ng check flight nito mula sa taas na 10,000 ft. ay biglang nawala ang ipinupukol nitong signal habang pabalik na sana sa base.
“At around 11:46 a.m., communications with the UAV was cut. All emergency procedures were performed and Field Service Representatives were called for troubleshooting,” pahayag ng PAF.
“The UAV proceeded and ascended to 10,000 feet. After finishing its check flight, the pilots declared the termination of test and directed the drone to descend 5,000ft 1.5 miles east of Lumbia Airport, ” ayon sa inilabas na pahayag.
Sinabi ni Mariano, bumagsak ang nasabing UAV sa isang vegetated area at walang sibilyan na naiulat na nasugatan o mga ari-arian ang na napinsala. VERLIN RUIZ