BUONG buhay raw ni Issa Pressman, hirap na hirap siyang ayusin ang kulot niyang buhok. Lahat daw ng kapatid niya ay magaganda ang bukod kaya bukod tanging siya ang laging napapansin, dahil halos afro na nga ito. Nagmana raw kasi siya sa kanyang ina.
Nung elementary raw siya, madalas siyang ma-bully dahil sa kanyang buhok. Tinatawag siyang Santo Nino” o “curly-haired witch.” Kaya nga alam niyang iba siya at ang akala niya ay isa siyang freak. Kasi naman, sa Pilipinas, mas gusto nila ang mahaba at tuwid na buhok. Kaya hangga’t maaari, lagi niyang itinatali ang kanyang hair para hindi masyadong halata.
Syempre, naiinggit siya sa mga kaibigan niya paminsan-minsa, pero wala naman siyang magagawa dahil natural nga siyang kulot, kaya hanggang inggit na lang siya.
Minsan daw, inalis niya ang tali ng kanyang buhok, kaso, pinansin siya ng mga teacher at sinabing i-ponytail niya para mas Magandang tingnan – para bang nagmumukha siyang marumi kapag nakalugay ang buhok. Char! May kaibigan pa nga raw na nagpayo sa kanyang magpa-rebond para ma-straight ang buhok niya.
Isa pa raw problema niya, hindi talaga siya marunong mag-ayos ng buhok. Susuklayin nya ito para malinis tingnan, pero maya-maya lang, nakalaglag na naman. Kapag nagpapagupit siya at humihingi siya ng advice sa haircutter, rebonding pa rin ang ipinapayo sa kanya, na ayaw naman niya. Saka ayaw ng mommy niya dahil bata pa siya at masisira raw ang kanyang buhok sa rebonding.
Pero nung grade 6, bago nag-graduation, nagpa-rebond daw siya, at lahat ng makakita sa kanya ay sinasabing lalo siyang gumanda kaya naman tuwang tuwa siya. Pero sabi ng mommy niya, “Ang ganda ganda kaya ng curls mo.”
Finally, nang makatapos iya ng senior high at nag-college, nauso ang Curly Girl. Inimbitahan siya ng isang kaibigang mag-pose sa Facebook group na tinawag nilang Curly Girl Philippines. Ito yung grupo ng mga Pinay na kuloy ang buhok, tulad niya, nahirap na hirap din na yakapin ang ang kanilang natural curls. Sa wakas, lumakas ang kanyang loob at nayon ay proud curly girl na si Issa. Sa halip na pangarapin niyang magkaroon ng mahaba at straight na buhok, ipagmalaki na lamang niya kung ano ang meron siya, at i-enhance ito para kainggitan din ng iba.