Issa & Yassi Pressman, artista na negosyante pa

Jayzl Villafania Nebre

Tatlong kumikitang negosyo ang pinagsosyohan ng magkapatid na sina Issa and Yassi Pressman. Masasabing sila ang creative force na pwede ka talagang mag-bow. Liban sa pagiging dancers, singers, style mavens, at directors, may mga egosyo ang Pressman sisters na talaga namang maipagkakapuri.

Mina-manage ni Issa ang sarili niyang accessories brand ISSA na siya rin mismo ang nagde-design, at ang kanyang salon KOOP studio na kamakailan lamang ay nag-branch out na sa London.

Si Yassi naman, binuksan niya ang pet accessory brand Presidential Paws. Ani Yassi, sa Presidential Paws, nagbebenta sila ng dog accessories at iba pang pet necessities. Knausap na raw sila ng BGC for a partnership at finally, magbubukas na sila ng off-leash park para lamang sa mga aso. Sana all. jvn