UPANG mabawasan na ang tambay na locally stranded individual (LSIs), ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na magtayo ng one-stop shop (OSS) help desk na mag-iisyu ng travel authority.
Ang OSS help desk ay ise-set up sa mga regional office gayundin sa mga lower unit nito kaakibat ng dapat ay may koordinasyon sa local government unit para sa mas mabilis na proseso at issuance ng travel authority sa LSIs.
Ang travel authority ay ibibigay sa mga LSIs na uuwi ng probinsiya gayundin ang mga nasa probinsiya patungo sa Metro Manila.
Paglilinaw naman ni Gamboa, bago makakuha ng travel authority ay kinakailangang sumunod sa requirement ng Inter-Agency Task Force gaya ng ipinatupad na health protocols at standards.
Tinukoy dito na kinailangang cleared mula sa COVID-19 ang LSI bago payagang magbiyahe. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.