MULA sa roving photo gallery ng mga kuwento ng pag-asa noong 2016, malayo na ang nilakbay ng Istorya ng Pag-asa.
Taong 2017 nang ipanganak ang 1st Istorya ng Pag-asa Film Festival, brainchild ni VP Leni Robredo, na layuning makapaghatid ng mga kuwento ng pag-asa at inspirasyon sa ating mga kababayan lalo na sa panahong nahaharap ang bansa sa iba’t ibang pagsubok ng buhay.
“Ang istorya ng bawat Filipino ay istorya ng tagumpay at pag-asa. Sa ating pagtutulungan, kaya nating lagpasan ang anumang problema at gawing mas maginhawa ang buhay ng bawat isa. Kahit minsan, ang pakiramdam natin ay tila unti-unti nang nawawala ang liwanag ng pag-asang ating pinaka-iingatan, kumakapit tayo sa iisang paniniwala: na sa huli, ang mabuti ang siyang mananaig,” aniya.
Dagdag pa niya, naging malaking hamon din sa kanila ang pagpili ng mga kalahok ngayong taon na hindi lang sumasalamin sa katatagan kundi sa tunay na ispiritu ng Pinoy.
“But we do not just look for stories that recount personal hardships. Our criteria for choosing the best films involve how the theme is presented, the quality of production, the reach and impact of each film, and the overall experience. The INP Filmfest is not just about the most memorable stories of poverty and tragedy, but the long and often times arduous process behind its retelling, and the power of moving pictures.
“So, in November of 2017, we partnered with the Ayala Foundation and launched the Istorya ng Pag-asa Short Film Festival. We initially planned the film festival to be a one-time event to celebrate our one-year anniversary. But because of the wealth of stories submitted to the Office of the Vice President in 2018, we have decided to make the film festival an annual event,” ani VP Leni.
Mula sa 73 entries noong nakaraang taon, natutuwa rin siya sa pagdagsa ng mga kalahok ngayong taon na umabot na sa 98.
Abot-abot din ang pasasalamat niya sa suportang ibinigay ng Ayala Foundation sa pamumuno ng pangulo nitong si Ruel Maranan sa kanyang ad-bokasiya.
“Truly, we could not have asked for a better partner, because through the years, the foundation has been instrumental in bringing hope to our very poor communities,” lahad niya.
“Bilang dagdag na suporta sa ating film festival, pinaunlakan tayo ng Ayala Foundation sa ating hiling: na ang mananalong Top Three Films ay mapapanood sa mga Ayala Malls Theaters nationwide mula June hanggang October ngayong taon. Sa tulong rin ng Film Development Center of the Philippines, napabilis ang pag-apply natin ng ating mga permits na kailangan upang mas maayos at mas marami ang mararating ng ating mga istorya ng pag-asa.
“Now, when we speak of hope, we do not just wait for something to happen. We strive to be defiantly hopeful by springing to action, so that our dreams will become reality,” pahabol niya.
Hirit pa niya, ang Istorya ng Pag-asa ay hindi lang nagbabahagi ng mga kuwento ng inspirasyon dahil naging instrumento rin ito para matulungan at maiangat ang kalagayan ng mga bidang tampok dito.
Mula kay Marky Talibutab ng Climbing Puppeteer, Vejiel Velez ng “Ang Gahum Sang Daku Nga Handum (The Power of Big Dreams),” John-John ng “Alkansiya,” Ernie ng “Gawilan,” Marlon Fuentes ng “Ang Biyahe ni Marlon,” Lola Lita Vinuya ng “Liham Pagmamahal Para sa Kasalu-kuyan,” Jhalanie Matuan ng “Dibuho,” Maricor Book at marami pang iba, sila ay ilan lamang sa nabiyayaan ng tulong ng adbokasiya ng Istorya ng Pag-asa.
Ngayong taon, ang magkapatid na bulag na sina Rodrigo at Robinson na bida sa People’s Choice awardee na Yapak ni Romel Lozada, ang pulis na si SPO4 Bill Felisan ng Modern Day Hero ni Roy Robert Rusiana, (OVP Special Recognition Awardee), ang public school teacher na si Ryan Habitan ng Maestro ng Pag-asa ni Immaculate Estepa, ang veteran pho-tographer na si Nanay Fely ng Litratista ni Allan Lazaro(2nd runner up,best director), ang Tausug rap artist na si Khalid Hamid ng Maglabay Ra In Sakit ni Mijan Jumalon(1st runner up,best editing), ang mangingisdang si Roberto Ballon, Jr. ng Ka Dodoy nina Meg Seranilla at Mark Aposaga (best film, Ayala Foundation Community Development Awardee, best cinematography) ang mapapalad na nabigyan ng pagkakataong maibahagi ang kanilang kakaibang Istorya ng Pag-asa at mabigyan ng tulong ng nasabing film festival with a cause.
Comments are closed.