NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,386 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa mula Abril 10 hanggang Abril 16.
Ito ay mataas ng 23 porsiyento kumpara sa naitalang kaso mula Abril 3 hanggang Abril 9 o noong nakalipas na Semana Santa.
Ayon sa DOH, pagpapakita ito ng 341 daily average cases sa nakalipas na linggo.
Sa mga naitalagang bagong kaso, 17 ang kritikal o malubha ang kondisyon.
May nadagdag din na 20 sa bilang ng mga namatay dahil sa sakit simula noong Abril 3 hanggang Abril 16.
Bunga nito, hinikayat ng DOH ang publiko na istriktong sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng mask at pag-obserba sa itinakdang social distancing.
Pinaalahanan din ang mga nakakaranas ng sintomas ng sakit na agad mag-isolate para maiwasan ang posibleng hawahan.