(Isusulong sa Kamara) TAX BREAK SA MAGHA-HIRE SA EX-PDLS

Joey Sarte Salceda

ITUTULAK sa Kamara ang panukalang batas na magkakaloob ng ‘tax break’ sa mga kompanyang magha-hire ng mga indibidwal na dating persons deprived of liberty (PDLs).

Kaugnay nito ay bumuo si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ng ‘small group’ na binubuo nina Ways and Means Committee Vice Chairs Estrellita Suansing at Sharon Garin, at PBA Partylist Rep. Jericho Nograles para magrekomenda ng formulation sa tax provision na magbibigay ng insentibo sa mga negosyo na magha-hire ng mga dating PDLs.

Nais ng mga kongresista na bigyan ng dagdag na kabawasan sa kanilang gross income ang mga kom-panyang magha-hire ng mga dating PDLs o katumbas ng 15% ng kabuuang suweldo ng mga iha-hire na dating bilanggo.

Ibig sabihin, papayagang ibawas sa gross income ng mga kompanya ang 115% ng labor expenses sa mga dating PDLs.

Bukod sa insentibong makukuha ng mga kompanya ay makatutulong din ito sa mga dating PDLs na mabigyan ng oportunidad na makapamuhay nang maayos, maiwasan ang repeat offenses at mapababa ang crime rate.

Titiyakin naman ni Salceda na ang mga probisyong ilalatag sa panukala ay ‘veto-proof’ at hindi maaabuso ng mga employer na magha-hire, magsisibak at magre-rehire ng mga dating PDLs para lamang maka-avail o makakuha ng benepisyo. CONDE BATAC

9 thoughts on “(Isusulong sa Kamara) TAX BREAK SA MAGHA-HIRE SA EX-PDLS”

  1. 941824 633235Hi! Someone in my Facebook group shared this site with us so I came to check it out. Im undoubtedly loving the details. Im book-marking and will be tweeting this to my followers! Outstanding weblog and amazing style and style. 912736

  2. 861447 882244Typically I dont read write-up on blogs, but I would like to say that this write-up quite compelled me to try and do so! Your writing style has been amazed me. Thanks, really excellent post. 153623

Comments are closed.