LAGUNA – MATAGUMPAY ang open house at paglulunsad ng pinakabagong variant ng Isuzu D-Max na Boondock sa Isuzu Gencars Sta. Rosa branch sa Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy, Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City noong Sabado, Mayo 25.
Kabilang sa mga opisyal ng Isuzu Gencars na nanguna sa launching na may temang “I Love Isuzu” ay sina Lerma Nacnac, Vice President at Beth Dimacuha, VP-Southern Luzon Operations.
Sinimulan ang event sa motorcade kung saan nakilahok ang mga car club member na Team Isuzu Pilipinas, Team Isuzu Car Enthusiast, at Mux Owners Philippines at iba pa.
Sa speech naman ni Shojiro Sakoda, Executive Vice President ng Isuzu Philippines Corporation (IPC), sinabi nito, ikinagalak niya ang Open House na ginawang hakbang ng Isuzu Gencars Sta. Rosa at iyon aniya ang kauna-unahan sa kanilang dealer operation at naging masaya sa pagdalo ng mga car club member at iba pang kliyente ng nasabing branch.
“It is my pleasure to welcome you to our Isuzu Dealer Open House, this is our first open-house event and we are glad to offer this one-of-a-kind event to all of you,” ayon kay Sakoda.
Maituturing aniyang matagumpay ang open house event dahil matutugunan nito ang layunin na mabigyan ng pagkakataon ang kanilang kasalukuyang mga kliyente gayundin ang mga susunod pa na ma-avail ang exclusive promotions.
Tiniyak din ni Sakoda na marami ang mag-a-avail ng Isuzu D-Max Boondock na available sa Galena Gray at Cosmic Black dahil sa excellent performance nito .
“We have been very successful with our model line-ups, gathering numerous awards due to its excellent performance and value for money,” dagdag pa ni Sakoda.
Kabilang naman sa mga opisyal mula sa IPC na lumahok sa nasabing dealer operation event ay sina Joseph Bautista, division head-sales; Hiroto Nakaguro, assistant head sales at Yasuhiko Oyama, VP-sales.
SPECIAL PRODUCT FEATURES PARA SA EXCELLENT PERFORMANCE
Samantala, ang special product features ng Isuzu D-Max Boondock ay ang 265/70 R17 Terrain Yokohama Geolander GO15 Tires with Black Alloy Wheel; Monotube Nitrogen Charged Performance Shock Absorber; Black Roof Rail, Cargo Bed Extender, Rocket Panel, Steel Honey Comb Design Side Step with Boondock logo at Over Fender.
Bukod sa Isuzu Gencars Sta. Rosa, maaari ring ma-avail ang Isuzu D-Max Boondock sa main office nito sa Makati City, Gencars San Pablo sa Laguna, Gencars Sto. Tomas at Gencars Batangas City, Gencars Naga, Camarines Sur at Gencars Legaspi, Albay.
Comments are closed.