Gusto nang matuldukan ng pamilya ni Eva Darren ang isyu ng umano ay pagdisrespeto sa beteranang aktres noong gabi ng 72nd FAMAS kaya tinanggap nila ang paumanhin ng award-giving body.
Ayon sa anak ni Eva na si Dr. Fernando de la Peña, wala nang dapat isipin ang pamunuan ng FAMAS at nagpapasalamat din siya sa lahat ng mga nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanyang ina.
Simpleng pamilya lamang umano sila at wala silang balak na magpakontrobersyal. Hanggat maaari, ayaw raw nila ng gulo. Nakatanggap rin naman umano ng award mula sa FAMAS si Eva at lumaki ang mga anak nitong nililinis ito.
Isa lang daw ang maipapayo niya sa pamunuan ng FAMAS – na sana, sa susunod, sundin nila ang script o bumili ng maayos na salamin sa mata ang oresentor at lahat ng taong in charge dito. (RLVN)