ISYU NG BOMBERS SA WPS TATALAKAYIN NI DUTERTE SA BEIJING

HARRY ROQUE

“RIGHT now the President does not see any immediate threat”.

Ito ang tugon ng Malakanyang sa napaulat na aktibidad ng China sa paglapag ng Chinese bomber plane sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang nakikitang immediate threat ang Pangulo sa nabanggit na lugar kung kaya wala ring dahilan upang i-convene ang National Security Council.

“It’s the President’s call really and as I said, we do not consider China to be a threat to our security right now because of our new found friendship with China,” giit ni Roque.

Gayunman, aminado ang Malakanyang na dadalhin ang isyu ng Chinese bombers sa South China Sea sa susunod na bilateral meeting ng Pa­ngulong Duterte sa Beijing.

“We take note of the reports that appeared and we express our serious concern anew on impact on peace and security in the re-gion,” wika ni Roque.

Magugunita na ilang beses na ring binabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang mga talumpati ang pagiging malapit kay Chinese President Xi Jinping na aniya’y isang malapit na ally ng bansa.  EVELYN QUIROZ

 

4 thoughts on “ISYU NG BOMBERS SA WPS TATALAKAYIN NI DUTERTE SA BEIJING”

  1. I’d should check with you here. Which is not something I usually do! I take pleasure in studying a publish that may make people think. Also, thanks for permitting me to remark!

  2. I am often to blogging and that i truly appreciate your content. This great article has really peaks my interest. I’m going to bookmark your blog and keep checking achievable info.

Comments are closed.