ISYU NG COMFORT WOMEN MULING UMINIT

Image from GMA Series “Pulang Araw”

MULI na namang nahalukay ang galit, simpatiya at pagsigaw ng katarungan para sa daan daang kababaihang Pinay na puwersahang ginahasa at isinadlak sa pagiging mga comfort women ng mga sundalong Hapon noong panahon ng World War II dahil sa sumisikat na television series na “Pulang Araw” 

Sa isang pulong balitaan na pinangunahan nina Sanya Lopez, na gumanap na Tererista Borromeo isang comfort woman at Ashley Ortega ang madre na ginahasa at ginawang comfort woman sa teleserye ng GMA 7 at Teresita Ang See, na kumakatawan naman sa Flowers for Lolas coalition, ay isinigaw ang kanilang apela at mga kahilingan sa pamahalaan ng Pilipinas at Japan.

Kabilang dito ang “ No to War and Over-Militarization: Pagsusulong ng kapayapaan at pag-iwas sa hidwaang militar. Justice and Official Apologies: Pag­hingi ng formal and official apology mula sa  Japanese government at pagbabayad danyos sa mga biktima at kanilang pamilya.

At  restoration and Remembrance: panawagan sa pagbabalik sa ninakaw na Comfort Women monument sa Roxas Boulevard at pag- alis sa hindi makataru­ngang Japanese military memorials sa buong Pilipinas kabilang dito ang Kamikaze Japanese military suicide pilot monument sa  bayan ng Mabalacat sa  Pampanga na ginawa ng mga rightwing Japanese groups.

Ginanap ang  Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Café sa gitna ng panawagan ng Komite ng United Nations (UN) sa Pag-aalis ng Diskriminasyon laban sa Kababaihan (CEDAW or Committee on the Elimination of Discrimination against Women) sa Philippine and Japanese governments na tugunan ang karumal dumal na kalupitang ginawa laban sa mga WWII comfort women.

 “Kailan kaya nila matatanggap ‘yung hustisya na nararapat para sa kanila? Kasi konti na lang sila, so kailan pa di ba po ba?” ani Sanya Lopez kasabay ng pagtiyak na:   “Pulang Araw” would honor their stories and expressed hope that the series could contri­bute to their ongoing fight for justice.

“Asahan n’yo po na isa ‘to sa magiging boses ng ating comfort women. Istorya po nila ito kaya sana ay suportahan po natin. At sana po, ito pong istorya ng ‘Pulang Araw’ ay makatulong sa kanilang ipinaglalaban, at kayo po ang inspiras­yon namin, lalo na po ng mga kababaihan ngayon at sa mga susunod pang henerasyon. Mabuhay po ang mga comfort women!”

Nabatid na naghain na si Gabriela Congresswoman Arlene Brosas, ng  House Resolution No. 845 na nagsusulong ng hustisya at pagkilala sa mga comfort women victims kabilang ang House Bill No. 8859 na nagpapa deklara na   gawing “National Memorial Day for Comfort Women” ang August 14 taon taon.

Hinihingi naman ni Sharon Cabusao-Silva, Director ng  Lila Pilipina, isang  support organization para  Fi­lipina Comfort Women victims, ang official Ja­panese government apo­logy at pagkilala sa mga Japanese military  WWII sex slaves sa ilalim ng kanilang Comfort Women program na isang systematic program na isinagawa ng  Japanese military sa buong Asia noong panahon ng digmaan.

VERLIN RUIZ