ISYU NG PNP KAY VP LENI TAPOS NA – GAMBOA

Lt Gen Archie Gamboa

CAMP CRAME – WALA nang problema at naka-move on na ang Philippine National Police (PNP)  sa isyu sa pagitan nila at ni Vice President Leni Robredo.

Ito ay matapos na ihayag nitong nakaraang linggo ni Robredop na isang porsiyento lamang ang nakukumpiskang  ilegal na droga ng PNP sa tatlong taong kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Giit ni Gamboa naka-move on na sila sa kung paano na-appreciate ni Robredo ang statistics kaugnay sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.

Para kay Gamboa case closed na ang isyu at lahat ay kailangan nang mag-move on.

Una nang sinabi ni Gamboa na nasaktan ang PNP sa pahayag ni Robredo lalo’t tila sinasabi nitong failure ang kampanya kontra droga ng gobyerno. REA SARMIENTO

Comments are closed.