IT EXPERT RUMESBAK SA PANUKALANG 2-TOWERCOS ONLY: “DUOPOLY NI RJ BETRAYS DU30”

RJ JACINTO-3

“The proposal of Presi­dential Adviser on Information and Com­munications Technology Ramon Jacinto for a ‘two-private com­pany tower builders only’ to serve telco’s requirement is disrup­tive, if not regressive,” pahayag ni IT expert at University of the Philippines law profes sor Roger Quevedo.

“And the towercos duopoly idea will most likely betray President Duterte’s commitment to give the Filipino subscribers a cheaper and faster telco services,” pagbibigay-diin ni Quevedo.

Ipinaliwanag niya na ang telco operations ng mga existing at incoming provider ay pasulong sa pagpapabuti  ng kanilang mga pasilidad upang matugunan ang kanilang speed deficiency, kaya ang anumang pagbabago sa polisiya ng gobyerno tulad ng gustong mangyari ng panukala ni Jacinto ay magreresulta sa biglang pagkakahinto ng isinasagawang facility improvement projects ng telcos.

Sinabi pa ni Professor Quevedo na ang panukala ni Jacinto ay magiging pag-aaksaya lamang ng panahon at pagod dahil hindi ito ‘doable’ hanggang hindi inaamyendahan ng Kongreso ang umiiral na prangkisa ng Globe Te­lecom at PLDT-Smart.

“It is not doable because in my view as a practicing lawyer… Jacinto’s proposal which in effect will deprive the existing telcos of their privilege granted under the approved franchises… is illegal,”  ani Quevedo.

Dagdag pa niya, ang towercos duopoly proposal ni Jacinto na planong ipatupad sa pamamagitan ng isang Executive Order ng Pangulo ay hindi maaaring sapawan ang isang Congressional ­Enactment na nagkakaloob ng prangkisa sa telcos.

Noong nakaraang linggo ay nagbanta si Sen. Grace Poe na kakasuhan si Jacinto kapag hindi ito nakinig sa mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso at itinuloy pa rin  ang paglilimita sa mga pri­badong kompanya na magtatayo ng cell towers sa dalawa lamang.

“Talagang tututulan ko ‘yan at saka hindi ko lang basta-bastang tututulan dahil kung saka-sakaling hindi nila tayo pinakinggan, kasi alam ninyo naman ganyan ‘pag humaharap sa Senado ang gaganda ng sinasabi pero hindi naman nila tinutuloy, kaya mag-pa-file tayo ng kaso kasi kailangan talagang pigilan ang mga ganitong uri ng mga polisiya na sa tingin ko ay makakasama sa ating mga kababayan,” wika ni Poe.

Iginiit ni Poe ang kanyang pagtutol sa common tower policy, at sinabing counterproductive ito sa layunin ng pamahalaan na mapaghusay ang telecommunications infrastructure sa bansa.

Hinikayat din ni House Assistant Majority Leader at Rep. Johnny Pimentel ng 2nd district ng Surigao Del Sur si incoming De-partment of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gringo Honasan na ibasura ang planong towercos duopoly.

Pinaalalahanan niya si Honasan na ang paglimita sa konstruksiyon ng  cell towers ay labag sa  congres-sional franchise ng Globe at Smart.

 

Comments are closed.