IT SKILLS, JOBS MISMATCH SA PH TUTUGUNAN NG KODEGO, JOBSTREET

NAKIPAGPARTNER ang online tech bootcamp KodeGo sa isa sa nangungunang online employment marketplaces sa Asya, ang Jobstreet Philippines, upang makatulong sa pagtugon sa skills mismatch sa pagitan ng job seekers at ng open company positions, partikular sa larangan ng Information Technology (IT).

Sa pamamagitan ng sikat na recruitment platform, ang mga hiring firm ay madali nang makapipili sa mga kandidato mula sa  KodeGo for Web Development and Data Science. Ang KodeGo graduates ay binibigyan ng  special tag para mas madali silang mapansin.

“JobStreet has always been a titan in the recruitment and job placement space, so they are an ideal partner for KodeGo. Through this collaboration, we can give our bootcampers bright career opportunities and contribute to building a future-proof digital nation,” pahayag ni Glenn Estrella, Head of Portfolio Growth for 917Ventures.

Ang KodeGo ang pinakabagong spinoff ng 917Ventures, ang pinakamalaking corporate venture builder ng bansa na pag-aari ng Globe.

“We, at Jobstreet Philippines, remain committed to bringing new tools to help our local job seekers achieve their career goals. This partnership with KodeGo will bring us closer to our mission to give a job to every Filipino, which has been our focus since day one,” wika ni Philip Gioca, Country Manager for Jobstreet Philippines.

Ang KodeGo ay tumutulong sa mga estudyante na mas mabilis na matamo ang kanilang dream careers sa IT. Pinupunan nito ang puwang sa pagitan ng open tech positions at ng kawalan ng technical skills ng aspiring tech employees sa pamamagitan ng online tech bootcamp.

Ang accelerated at intensive study program na ito ay nagbibigay-daan para matuto ang mga estudyante kung paano maging software engineers, web developers, at data scientists.  Sa oras na maka-graduate, ang mga estudyante ay tugma sa partner companies ng KodeGo.

Sa kanilang market-driven curricula at real-world projects, ang KodeGo ay kumpiyansa na ang mga graduate nila ay magiging handa sa mga hamon na maaari nilang kaharapin sa kanilang napiling IT career.

Ang KodeGo ay nag-aalok din ng “Study Now, Pay Later” program bilang bahagi ng kanilang adboksiya. Ang mga estudyante ay nagbabayad para lamang sa bootcamp kapag sila ay na-hire.

Ang KodeGo ay kaisa ng Globe sa pagsuporta sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 4, na tumitiyak sa inclusive at equitable quality education at nagsusulong sa panghabambuhay na oportunidad sa pagkatuto para sa lahat, all, at sa UN SDG No. 9, na nagbibigay-diin sa mga papel na ginagampanan ng imprastraktura at inobasyon bilang krusyal na tagapagtulak ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya.

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa KodeGo, bumisita sa https://kodego.ph/ at  https://www.facebook.com/KodegoPH.