IGINIIT ni Senador Panfilo Lacson na dapat na mas paigtingin ng gobyerno ang information technology para sa networking capabilities laban sa mga extremist.
Ito ang inirekomenda ni Lacson kay National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Saidamen Pangarungan matapos na sabihin ng kalihim sa budget hearing sa Senado na aktibo pa rin ang Maute group matapos ang Marawi siege.
Pabor naman si Secretary Pangarungan sa mungkahi ni Lacson.
Iginiit ng senador na habang inaayos ang pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law (BOL) para sa ikauunlad ng ekonomiya ng rehiyon ng Mindanao ay dapat na palakasin ng gobyerno ang information technology.
Dagdag pa ni Lacson na ang development sa BOL ay dapat na may kaakibat na seguridad.
Kapag nawala ang isa ay wala umanong patutunguhan ang naipasang BOL. VICKY CERVALES
Comments are closed.