ITALAGA SA DEPED, ‘DI DAPAT CORRUPT

UMAASA  ang ACT Teachers Party-list France Castro na mabibigyang konsiderasyon ang kanilang rekomendasyon sa pamantayan para sa susunod na Departament of Edukasyon, at idinagdag na hindi dapat corrupt ang susunod na appointee.

“Inaasahan natin, itong mga recommendation namin para doon sa mga criteria, sana at least ma-consider,” sinabi ni Castro sa panayam sa Isyu ng Bayan ng DWIZ.

Sa mga pamantayang iyon, sinabi ng mambabatas na ang susunod na DepEd Secretary ay hindi dapat corrupt at dapat ay mula sa sektor ng edukasyon.

“Unang-una dapat ay hindi corrupt. Pangalawa, as much as possible galing siya sa education sector at mayroong malawak na kaalaman at may bibit na solusyon para doon sa ating education crisis.”

Nitong Sabado, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangan niya ng mas mahabang panahon sa pagpili ng susunod na hepe ng DepEd.

“It turns out, it’s harder than I thought because we have to absolutely get it right. So I’m giving myself more time,” anang Pangulo. LIZA SORIANO