ITALIAN, NIGERIAN AT FILIPINO HULI SA DRUG OPS

nadakip

ITALY – NADAKIP ang 47 katao kabilang na ang ilang Filipino sa illegal drug operation sa Rome.

Malaking bulto ng droga ang nasabat ng awtoridad sa nasabing operasyon kung saan nadakip din ang ilang Italian at Nigerian.

Kabilang sa mga nasabat ang 360 gramo ng pinaniniwalaang shabu, na nagkakahalaga ng P10 milyon; hiwalay pang 300 gramo ng umano’y shabu; cocaine, “speed,” “hashish,” at marijuana.

Naniniwala ang awtoridad sa Rome na mga miyembro ng malaking drug syndicate ang mga naaresto.

Nasa kustodiya na ng Roma Piazza Farnese station ang mga naaresto habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.