GOOD day, mga kapasada!
Hindi bago ang paksang ating tatalakayin. If I do remember right, sa maraming pagkakataon ay tinalakay natin ang paksang ito at never na nabaon sa ‘field of oblivion’.
Sa madaling salita, ito ay ang paksang regular na pangangalaga sa makina ng ating pamasadang sasakyan.
Ayon sa ating mga nakapanayam na expert mechanic, ang regular na maintenance (pangangalaga) ng sasakyan, maging gamit pampribado o panghanapbuhay ay makatutulong sa ibayong haba ng panahong mananatiling maganda ang performance.
Ang pagbibigay halaga sa mga hakbang na itinuturo ng manufacturer’s manual will keep your car on the go and will help to ensure safety.
Kung magiging masinop ang isang may ari ng sasakyan sa pagbibigay ng walang pagod na pagpapanatili ng top maintenance ng sasakyan, bukod sa makatitipid sa major breakdown, o makaiiwas sa aksidente sa paggulong sa lansangan sa panahon ng pa-ghahanapbuhay.
Gayunman, kung hindi mo kayang magmantine ng sariling pagsisikap dahil wala kang muwang sa mga dapat gawin sa maayos na pagmamantine ng mabuting kondisyon ng makina, hindi naman siguro nakakahiya kung humingi ng payo o tulong o dalhin sa isang talyer upang ipakondisyon ang makina.
DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGMAMANTINE NG SASAKYAN
May ilang basic car maintenance na ipinapayo ang ating resource mechanic tuladng:
- Oil (langis)
- Gulong (tires)
- Power steering
- Batteries (baterya)
- Lights and electrical component (ilaw at parteng electrical)
- Transmission
- Cooling system
- Brake (preno)
- Paint and exterior detailing (pintura at panlabas na paglilinis) at
- Suspension
Maluwag sa kalooban ng resource mechanic na idetalye ang kahalagahan ng bawat basic maintenance ng car para sa kapakanang gawin ng sariling pagsisikap (Do it yourself) o kaya ay sa pamamagitan ng tulong ng mga kakilalang may nalalaman sa makina o kaya ay sa pamamagitan ng mga qualified mechanic ng isang lehitimong talyer.
- Ang langis – Mahalagang papel ang ginagampanan ng langis sa makina.. Ito ay nakababawas ng friction ng mga bahaging gumagalaw (moving parts) at tumutulong in dispersing heat.
Ito ay nagsisilbi ring sealant sa pagitan ng piston rings at ng cylinder line na siyang sumasagka sa pagtakas ng combustion pressure, bukod sa nagsisilbi rin ito bilang rust inhibitor at detergent.
- Ang gulong – ang pagmamantine ng gulong ng sasakyan ay lubhang mahalaga para sa ikabubuti nito at sa kaligtasan ng sasakyan.
Kailangang magkaroon ng regular na check-up bago ito ibiyahe nang malayuan.
Tsiken ang air pressure kada dalawang linggo kung malamig ang panahon at sangguniin ang owner’s manual para sa wastong air pressure.
Kung mapansin na hindi pantay ang pagkapudpod ng gulong, ito ay pahiwatig na hindi ito naka-align o may problema sa sus-pension. Kailangan itong ipa-tire balancing.
- Ang power steering – regular na check-up ng power steering upang makatiyak na nasa hustong capacity ito. Sangguniin ang owner’s manual at maglagay lamang ng inirerekomendang dami ng fluid. Iwasang sumobra ang laman ng reservoir.
- Ang battery – Mahalagang component ang bateryng sasakyan at kung hindi ito mabibigyan ng wastong pangangalaga ay maaaring maging daan ito ng breakdowns. Tiyakin na wasto itong gumagana sa pamamagitan ng pagsusuri sa battery terminals na dapat laging malinis at mahigpit ang clamp.
Maaaring tumagal ang baterya ng tatlo hanggang apat na taon kung lagingmapananatiling nasa wastong antas ang electrolyte level at gumamit lamang ng distilled water.
- Ang ilaw at electrical components – Ang bahaging ito ay napakahalaga sa sasakyan. Kasama sa bahagi nito ang:
- busina
- power window
Regular na tsiken ang mga ilaw para makatiyak na ang mga ito ay gumaganang mabuti at gumamit lamang ng bombilyang inirerekomenda ng owner’s manual.
- Ang transmission – I-check mabuti ang transmission fuel levels at dapat itong sumunod sa inirerekomenda ng owner’s manual.
Hindi dapat masunog o mag-iba ang kulay ng fluid. Ang wastong pangangalaga satransmission ay makapagliligtas sa sasakyan sa malaking gugol sa pagpapaayos nito sakaling bumigay sa ‘di inaasahang panahon.
- Ang cooling system – Suriin ang cooling system habang malamig (cold) ang engine.
Iwasang alisin ang radiator cap kung mainit ang makina. Tsikin ang coolant level sa tuwina (regularly) at mag-refill lamang ng inirerekomenda ng owner’s manual na uri na angkop sa sasakyan.
Sakaling sa tuwina ay kailangang mag-refill sa cooling system, ito ay indikasyon na posibleng may tagas (leak) ito.
8 brakes (Ang preno) – Kung maramdamang may kabig, o nagba-vibrate, ito ay indikasyon o pahiwatig na kailangan na itong palitan.
Kung mabagal (slow) to respond sa brake performance ay nagpapahiwatig din ito na gasgas na ito (worn down).
Suriing mabuti upang makatiyak na may sapat na brake fluid at sakaling nagkukulang sa wastong level ay gumamit lamang ng recommended brake fluid.
- Paint and exterior detailing – Huwag ipagwalang- bahala ang pagpapapinta ng sasakyan lalo na at ito ay gagawin nang mabilisan ng isang car painter sa garahe o sa labas ng bahay.
Ang wastong pangangalaga at maintenance of car paint work ay makatutulong upang mapangalagaan ang sasakyan sa pagka-karoon ng gasgas (scratch) and natural elements tulad ng tulo ng dagta ng kahoy, putik, dumi, ipot ng ibon at marami pang iba.
Mahalaga ang paggamit ng basic car wax na nagpoprotekta sa magandang pintura ng sasakyan.
Sa panahon ngayon, mayroon nang mga chemically engineered car paint coating na tumatagal at may advanced level of protection.
- Ang suspension – sa kaligtasan ng buong sasakyan, mahalaga na bigyan ng ibayong atensiyon ang pangangalaga sa suspension.
Ang sirang suspension ay maaaring lumikha ng ‘di tayang agwat bago mapahinto ang sasakyan.
Marapat na bigyan ng ibayong pansin at regular na ito ay sinusuri para makita ang physical damage o sobrang pagkasira.
Dapat na sinusuri nang regular ang mga shock absorber upang matiyak na ito ay walang tagas at kung mayroong mapansin, ka-gyat isailalim sa pagkukumpuni bago mahuli ang lahat.
BAKIT PUMUPUGAK ANG SASAKYAN
Magtataka marahil kayo sa salitang PUGAK. Ano ba ang kahulugan ng salitang ito na may kinalaman sa sintomas ng ‘di mabuting performance ng car engine.
Ayon sa mga ekspertong mekaniko, ang salitang pugak ay yaong parang ‘sinasakal o pinipigil’ ang mahinusay na andar ng makina o yaon bang tipong parang mapapasubasob ka sa unahan ng sasakyan (lean forward).
Sa malinaw na kahulugan, hindi tipo ng makina na parang tuloy-tuloy ang takbo na parang inilipat mo lang ang gear sa natural.
Sa ibang katagang ginagamit, ‘sakal’ ang karburador. Baka barado ang power circuit o kaya ang jet ng karburador.
Para mabatid ang dahilan, subukang palitan ng carb cleaner ang karburador.
Tanggalin ang air filter saka choke by hand para umagos ang gasolina at mahugasan.
Sa ganitong paraan, may posibilidad na mahugasan at madala ang bara samantalang ang pinakahuling maaaring gawin ay linisin, i-overhaul ang carburetor assembly at palitan ang mga kailangang repair kit.
Tsikin din at linising mabuti ang filter sa supply fitting ng karburador na kinakabitan ng fuel hose.
PAALALA NG MMDA SA MGA DRAYBER
Muling nanawagan ang Metro Manila Development Authority sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho.
Ang panawagan ay bunga ng mga nagaganap na traffic accident na walang pinipiling panahon sa mga pangunahing lansangan sa Metropolis na ang kalimitan sa mga biktima ay mga senior citizen at mga taong may kapansanan, idagdag pa ang mga batang inosente na bigla na lamang tatawid sa bawal na tawiran.
Maging maingat sa pagmamaneho sapagkat ang karamihan sa mga biktima ay matatanda na may mahinang pandinig at higit sa lahat ay hindi mabilis ang kanilang pagkilos.
Laging maging alerto sa kanila habang nagmamaneho, gayundin sa mga batang naglalaro sa mga lansangan na nakalilimot kung minsan sa mga napipintong sakuna sa daan na maaari ring idulot ng mga drayber ng sasakyan. Maging alerto sa kanila habang nagmamaneho, payo ng MMDA.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTI UPANG BUHAY AY BUMUTI.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.