ITEL INILUNSAD ANG FLAGSHIP P33 PLUS SA PINAS

FLAGSHIP P33 PLUS

INILUNSAD kama­ka­ilan ng Itel, isang  nangunguna at mapagkakatiwalaang global mobile phone brand, ang kanilang pinakahuling Power series smartphone, ang itel P33 Plus­.

Sa okasyon ng paglulunsad na may temang “My Power, My Hero,” inalala ng itel ang kanilang mga narating at opisyal na inanunsiyo ang kanilang paglulunsad ng official online Flagship Store sa Lazada.

Makabibili na ang mga konsyumer ng kanilang produkto sa Lazada na may opisyal na pres­yo, warranty, at after-sales services support.

AI POWER MASTER TO ENSURE YOUR POWER IN CONTROL

NAGTATAGLAY ang bagong flagship na itel P33 Plus smartphone ng 5000mAh battery. Base sa laboratory tests, handog ng P33 Plus ang 100 oras ng normal use, 39 oras ng continual 3G phone call, at 685 oras ng naka-standby.

Ang AI Power Master ay tumutulong na magkontrol ng power consumption para magamit nang husto ang battery nito, at maiwasan ang palaging pagtsa-charge. Bukod dito, may adjustment ang power saving mode, ang  phone’s performance (WLAN, Bluetooth, data, display brightness) at apps na magpapalawig ng battery life ng halos 35% ang pinakamarami.

MORE STORAGE FOR MORE MEMORIES

Pinalawak pa ang ROM ng P33 Plus mula sa 8GB hanggang 16GB, na 140% dagdag mula sa huling henerasyon. Sa optimized AndroidTM Oreo­TM (Go edition) OS na may pre-installed apps, ang P33 Plus ay may higit na 12GB ng storage para sa  photos, videos, at apps.

FULL SCREEN DISPLAY FOR AN IMMERSIVE VIEWING EXPERIENCE

Nakapagde-deliver ang P33 Plus nang mas malaki at maayos na visual experience sa 6.0” IPS Full Screen display, na nagbibigay nang mas magaan at mas immersive na disenyo para mas komportableng makanood ng mga pelikula at makapaglaro ng iba’t ibang klaseng games na mayroon sa app.

DOUBLE SECURITY TO PROTECT YOUR PRIVACY

Dagdag pa rito, mayroon itong face unlock at fingerprint sensor para mapangalagaan ang inyong privacy at mas madaling ma-access ang inyong paboritong apps. Kumpara sa huling gene­ration, ang fingerprint ay madaling maka-access sa functions at na-upgrade na mula sa 5 functions hanggang 8.

TAKE PHOTOS LIKE A PRO

Kargado ng P33 Plus ang 8MP dual rear ca­mera para sa pagkuha nang mas maliwanag na larawan, habang  ang kanyang 8MP selfie camera ay mayroong four-in-one big pixel technology para sa mas klaro at maliwa­nag na selfies sa iba’t ibang lighting conditions. Ang portrait mode naman ay nagbibigay sa mga gu­magamit na makakuha ng artistic portraits na may effects at ang customized Face Beauty V2.0 ay nag-aa­yos ng mukha ng user para magmukhang  slimmer, ruddy, at makinis.

Ang Itel P33 Plus ay may iba’t ibang vibrant colors tulad ng Gradation Blue, Deep Blue at Champagne Gold. Ito ngayon ay mabibili sa buong merkado ng Filipinas at sa Lazada Flagship Store na may budget-friendly price na PHP 3,499.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa itel brand at produkto, bisitahin ang   https://www.itel-mobile.com/ph.

Comments are closed.