ITIM NA NAZARENO ILILIBOT SA MGA SIMBAHAN

NAZARENO.jpg

Susunod na rin sa new normal ang paggunita sa tradisyunal na traslacion ng poong itim na Nazareno sa susunod na taon.

Ayon sa pamunuan ng Basilika Minore ng itim na Nazareno sa Quiapo sa Maynila, hindi muna isasagawa ang tradisyunal na traslacion na nagmumula sa Quirino Grandstand patungong simbahan ng Quiapo.

Wala ring isasagawang pahalik sa poon upang maiwasan na magkaroon ng hawaan ng COVID-19 sa mga deboto.

Sa halip ayon kay Fr. Douglas Badong, ang parochial vicar ng Quiapo Church, magiging localized ang pagdiriwang upang maiwasan ang pagdagsa ng mga deboto sa simbahan ng Quiapo.

Batay sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF), bawal ang pagsasagawa ng mass gatherings hangga’t umiiral ang community quarantine sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakatuon ang selebrasyon sa pagsasagawa ng misa upang  maiwasang maikalat ang COVID-19.

Ang imahen ay nakatakdang bumisita sa Hospicio de San Jose sa Maynila at Antipolo Cathedral sa Disyembre 31 at San Lazaro Hospital sa Maynila sa Enero 1.

Bibisitahin din nito ang Manila Cathedral, Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa Pangasinan, at Shrine of Padre Pio sa Batangas sa Enero 2.

Sa Enero 3 ay dadalhin ang imahen sa Greenbelt Chapel sa Makati City, San Jose Cathedral sa Nueva Ecija at San Vicente Ferrer Paris sa Laguna.

Sa Enero 4 naman ay bibisita rin ang Itim na Nazareno sa Manila City Hall, Mother of Perpetual Help Parish sa Nueva Ecija, at San Roque Parish sa Cavite.

Ililibot  din ang imahen sa Bureau of Fire Protection Headquarters sa Quezon City, San Fernando Cathedral sa Pampanga, at San Isidro Parish sa Las Piñas sa Enero 5.

Sa January 6, ililipat ang imahen sa Manila Police District, Malolos Cathedral sa Bulacan, at Santo Niño Parish sa Taguig City.

Sa  Enero 7, ang imahe ay bibisita sa Santo Domingo Shrine sa Quezon City, NCS-BEC Community, at Baclaran Church sa Parañaque City.

Comments are closed.