ITINALAGANG NAVAL STAFF UMUPO NA

UMUPO na bilang bagong pinuno ng Naval Staff si Commodore Ma Ambrosio Ezpeleta.

Sa ulat na nakarating sa Pilipino MIRROR, nitong Agosto 9 ay nagkaroon ng simpleng seremonya sa Philippine Navy headquarters sa Maynila para sa pormal na pag-upo ni Ezpeleta.

Pinangunahan ni PN’s Flag Officer in Command, Vice Admiral Adeluis Bordado ang turnover ceremony.
Pinalitan ni Ezpeleta si Vice Commander, Rear Admiral Caesar Bernard Valencia.

Sinamantala naman ni Valencia ang okasyon at pinasalamatan si Bordado sa tiwalang ibinigay sa kanya habang siya ang nakaupo bilang CNS.

Bago maging CNS, nagsilbi ri Ezpeleta bilang Superintendent ng Naval School Center, Assistant Chief of Naval Staff for Personnel (N1), deputy commander ng Naval Forces Eastern Mindanao at deputy commander ng Naval Education Training Command.

Naging ang e Commander Naval Forces Southern Luzon din si Ezpeleta . EUNICE CELARIO