NABAWASAN ang tatakbong alkalde sa Cavite makaraang magdesisyon na mag-withdraw ng kandidatura si dating Cavite City Mayor Bernardo “Totie” Paredes upang maglingkod sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Si Paredes ay hinimok ni Interior Secretary Jonvic Remulla na maging isa sa kanyang special assistant.
Si Paredes ay 18 taong naglingkod bilang alkalde ng Cavite City at makakalaban sana ang dati niyang bise alkalde at ngayon ay incumbent Mayor Denver Chua sa May 2025 Elections.
Si Paredes ay sinamahan ni Remulla sa Commission on Elections (COMELEC) office upang personal na bawiin ang kandidatura para sa halalan sa susunod na taon.
SID SAMANIEGO